74,959
edits
No edit summary |
No edit summary |
||
{{Multiple image|image1=Processing gold.jpg|image2=Pouring gold.jpg|perrow=1}}
Ang '''metalurhiya''' ay sakop ng materyal na [[agham]] at [[inhinyeriya]] na pinagaaralan ang [[Pisika|pisikal]] at [[Kimika|kimikal]] na ayos ng mga metalikong [[Elementong kimikal|elemento]], ang kanilang intermetalikong [[kompuwesto]] at kanilang mga halo, na tinatawag na mga [[balahak]] (''alloy'').
Sinasakop ng metalurhiya ang parehong agham at [[teknolohiya]] ng mga [[metal]]
Nahahati ang agham ng metalurhiya sa dalawang malawak na [[kategorya]]: metalurhiyang kimikal at metalurhiyang pisikal. Pangunahing inaalala sa metalurhiyang kimikal ang pagbawas ng oksidasyon ng mga metal, at ang pangkimikang pagganap ng mga metal. Kabilang sa mga paksang pinag-aaralan sa metalurhiyang kimikal ang pagproseso ng [[mineral]], pagkuha ng mga metal, [[termodinamika]], elektrokimika at ang kimikal na pagsira (korosyon).<ref>{{Cite book|date=1990|title=Chemical Metallurgy|doi=10.1016/c2013-0-00969-3|isbn=9780408053693|last1=Moore|first1=John Jeremy|last2=Boyce|first2=E. A.|language=en}}</ref> Sa kaibahan, nakatuon ang metalurhiyang pisikal]] sa mga mekanikal na katangian ng mga metal, ang pisikal na mga katangian ng mga metal, at ang pisikal na pagganap ng mga metal. Kabilang sa mga paksa na pinag-aaralan sa metalurhiyang pisikal ang [[kristalograpiya]], karakterisasyon ng materyal, metalurhiyang mekanikal, pagbabago sa bawat yugto, at mga mekanismo sa pagkabigo.<ref>{{Cite book|url=https://books.google.com/books?id=TNDKCgAAQBAJ|title=PHYSICAL METALLURGY: PRINCIPLES AND PRACTICE, Third Edition|last=RAGHAVAN|first=V|publisher=PHI Learning|year=2015|isbn=978-8120351707|language=en}}</ref>
|