Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Port Moresby"

Rescuing 1 sources and tagging 0 as dead.) #IABot (v2.0.8.2
(Infobox)
(Rescuing 1 sources and tagging 0 as dead.) #IABot (v2.0.8.2)
 
Ang '''Port Moresby''' ({{IPAc-en|ˈ|m|ɔər|z|b|i}}; [[Tok Pisin]]: ''Pot Mosbi''), tintukoy din bilang '''Lungsod ng Pom''' o pinapayak sa '''Moresby''', ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng [[Papua New Guinea]] at pinakamalaking lungsod sa Timog Pasipiko sa labas ng [[Australya]] at [[Bagong Zealand]]. Matatagpuan ito sa pampang ng Gulpo ng Papua, sa timog-kanlurang baybayin ng [[Tangway]] ng Papua sa [[Bagong Guinea]]. Umusbong ang lungsod bilang sentro ng kalakaran sa ikalawang bahagi ng [[ika-19 na dantaon]]. Noong [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]], ito ang pangunahing layon para sakupin ng puwersa ng Imperyal na Hapon noong 1942–43 bilang isang yugto ng pahahanda at baseng panghihimpawid upang tanggalin ang Australya mula sa [[Timog-silangang Asya]] at sa [[mga Amerika]].
 
Noong 2020, mayroon itong isang populasyon na 383,000.<ref>{{cite web|last=|first=|date=|year=|title=CIA World Factbook|url=https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/geos/pp.html|url-status=livedead|archive-url=https://web.archive.org/web/20160516013218/https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook//geos/pp.html|archive-date=Mayo 16, 2016|access-date=Oktubre 8, 2020|website=|language=en}}</ref> Ang lugar kung saan tinatag ang lungsod ay pinanirahan ng mga taong Motu-Koitabu sa mga nagdaang siglo. Si Kapitan John Moresby ng Hukbong-Dagat na Royal ang unang Briton na nakita ang pook noong 1973. Ipinangalan ang lugar bilang pagpaparangal sa kanyang ama, ang Almirante ng Armada na si Sir Fairfax Moresby.
 
Bagaman napapaligiran ang Port Moresby ng Gitnang Lalawigan, na kung saan ito rin ang kabisera, hindi ito bahagi ng lalawigan na iyon subalit binubuo ito ng '''Pambansang Distritong Kabisera'''. Kinakatawan ng mga tradisyunal na mga may-ari ng lupa, ang mga Motu at Koitabu, ng Kapulungan ng Motu Koita.