Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Wikang pasenyas ng mga Pilipino"

(dagdag)
Ang '''wikang pasenyas ng mga Pilipino''' o '''wika ng pagsenyas sa Pilipinas''', tinatawag na ''Filipino sign language'' (FSL) at ''Philippine sign language'' sa [[wikang Ingles|Ingles]] ay isang uri ng manwal na komunikasyon na ginagamit ng mga mamamayang bingi at pipi sa bansang Pilipinas. Isa itong pakikipagunayang ginagamitan ng mga hudyat at sagisag na isinasagawa ng mga kamay ng mga taong sanay dito, partikular na ang mga taong hindi nakapagsasalita at hindi nakaririnig, ngunit kabilang ang mga naglilingkod bilang mga [[pagpapaunawa|tagapagpaunawa]]ng bihasa rin sa ganitong anyo ng pakikipagtalastasan.
 
===Impluho ng mga Amerikano===
Sinasabing malaki ang impluwensiya ng mga senyas pangkamay na nagmula sa Estados Unidos sa wika ng pagsesenyas na ginagamit ng mga bingi sa Pilipinas. Itinatag ang Paaralan para sa mga Bingi sa Maynila (Manila School for the Deaf ) – na kilala sa ngayon bilang Philippine School for the Deaf (Paaralan para sa mga Bingi sa Pilipinas) noong 1907. Itinatag ang paaralang ito ni Delight Rice, isang gurong Amerikano. Pinamahalaan ito ng mga prinsipal na mga Amerikano hanggang sa mga dekada ng 1940. Malaking impluwensiya din sa pamamaraan ng pagbibigay ng edukasyon sa mga hindi nakakarinig ang paglalagak ng mga boluntaryo mula sa U.S. Peace Corps sa iba’t ibang mga pook sa Pilipinas mula 1974 hanggang 1989.<ref name=Abat>[http://web.kssp.upd.edu.ph/linguistics/plc2006/papers/FullPapers/V-3_Abat-Martinez.pdf Abat, Rafaelito M., at Liza B. Martinez. The History of Sign Language in the Philippines: Piecing Together the Puzzle, Philippine Federation of the Deaf / Philippine Deaf Resource Center, Philippine Linguistics Congress, Department of Linguistics, Unibersidad ng Pilipinas, Enero 25-27, 2006, walong pahina] (PDF), nakuha noong: Marso 25, 2008</ref>
 
166,389

edits