Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Wikang pasenyas ng mga Pilipino"

(KAWING)
 
==Kasaysayan==
 
==Ika-16 at ika-17 dantaon==
Noong panahon ng mga Kastila sa Pilipinas, isa mga gumamit ng mga senyas sa pagtuturo ng katekismo at sa pagsasagawa ng pagbibinyag sa mga bingi si Padre Ramon Prat (kilala rin bilang Raymundo del Prado o Ramón del Prado), isang Kastilang nagsasalita ng Katalan at dumating sa Dulac, Leyte noong mga huling panahon ng mga dekada ng 1950. Isa rin sa mga pinaniniwalaang gumamit ng mga hudyat-kamay si Juan Giraldo, isang lalaking mula sa [[Pransya]] na dumating sa Dulac, Leyte noong 1595.<ref name=Abat/>
 
===Impluho ng mga Amerikano===
Sinasabing malaki ang impluwensiya ng mga senyas pangkamay na nagmula sa [[Estados Unidos]] sa wika ng pagsesenyas na ginagamit ng mga bingi sa Pilipinas. Itinatag ang Paaralan para sa mga Bingi sa Maynila (''Manila School for the Deaf'') – na kilala sa ngayon bilang ''Philippine School for the Deaf'' (Paaralan para sa mga Bingi sa Pilipinas) noong 1907. Itinatag ang paaralang ito ni Delight Rice, isang gurong [[Amerikano]]. Pinamahalaan ito ng mga prinsipal na mga Amerikano hanggang sa mga dekada ng [[1940]]. Malaking impluwensiya din sa pamamaraan ng pagbibigay ng edukasyon sa mga hindi nakakarinig ang paglalagak ng mga boluntaryo mula sa ''U.S. Peace Corps'' sa iba’t ibang mga pook sa Pilipinas mula 1974 hanggang 1989. Kabilang rin sa mga impluwensiya mula sa Estados Unidos ang mga samahang pampananampalataya, mga tagapagturo at mga lathalain at panooring ginagamitan ng mga kumpas-kamay batay sa ''American Sign Language''.<ref name=Abat>[http://web.kssp.upd.edu.ph/linguistics/plc2006/papers/FullPapers/V-3_Abat-Martinez.pdf Abat, Rafaelito M., at Liza B. Martinez. The History of Sign Language in the Philippines: Piecing Together the Puzzle, Philippine Federation of the Deaf / Philippine Deaf Resource Center, Philippine Linguistics Congress, Department of Linguistics, Unibersidad ng Pilipinas, Enero 25-27, 2006, walong pahina] (PDF), nakuha noong: Marso 25, 2008</ref>
 
===Mga pinagmulang katutubo sa Pilipinas===
166,389

edits