Apganistan: Pagkakaiba sa mga binago

63 byte removed ,  6 months ago
m
walang buod ng pagbabago
mNo edit summary
mNo edit summary
Ang '''Apganistan''' ([[wikang Pastun|Pastun]]: ''{{lang|ps|افغانستان}}'' ; [[wikang Dari|Dari]]: ''{{lang|prs|افغانستان}}''), opisyal na '''Islamikong Emirato ng Apganistan''' ([[wikang Pastun|Pastun]]: ''{{lang|ps|د افغانستان اسلامي امارت}}'' ; [[wikang Dari|Dari]]: ''{{lang|prs|امارت اسلامی افغانستان}}''), ay isang bansang nasasagitna ng lupa na nasa sa sangang-daan ng [[Gitnang Asya]] at [[Silangang Asya]]. Hinahangganan ito ng [[Turkmenistan]] at [[Uzbekistan|Usbekistan]] sa hilaga, [[Tayikistan]] at [[Tsina]] sa hilagang-silangan, [[Iran]] sa kanluran, at [[Pakistan]] sa silangan at timog. Ang [[Kabul]] ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng bansa.
 
Ang paninirahan ng mga tao sa Apganistan ay nagsimula noong [[Gitnang Paleolitiko]], at ang estratehikong kinaroroonan ng bansa sa makasaysayang [[Daan ng Sutla]] ay nag-ugnay dito sa mga kalinangan ng ibang bahagi ng [[Asya]] at [[Europa]], na nag-iwan ng mosaiko ng mga etnolinggwistiko at relihiyosong grupo na nakaimpluwensya sa modernong bansang Apgano. AngNaging lupaintahanan ayang tahananlupain ng iba't-ibang tao at dumaan ng maraming pananakop, kabilang ang pagsakop ni [[Alejandrong Dakila]], [[Imperyong Maurya]], ng mga [[Mga Muslim na pananakop ng Apganistan|Arabong Muslim]], mga [[Monggol na pananakop ng Korasmya|Monggol]], [[Digmaang Anglo-Apgano|Britaniko]], [[Digmaang SobyetSobyetika-Apgano|SobyetSobyetika]], at ang pinakabago na isangpinakabagong koalisyon na [[Digmaan sa Apganistan (2001-2021)|pinamumunuanpinamunuan ng mga Amerikano]]. Nagsilbing pinagmulan din ang Apganistan kung saan bumangon ang mga [[Kahariang Grekobaktriyano|Grekobaktriyano]] at [[Imperyong Mughal|Mughal]], bukod sa iba pa, upang bumuo ng mga malalaking imperyo. Ang iba't-ibang pananakop at kapanahunan sa mga kalipunang pangkalinangang Indiyano at Persa ay gumawa sa lugar na isang sentro para sa [[Budismo]], [[Zoroastrianismo]], [[Hinduismo]], at sa kalaunan ay [[Islam]]. Noong 2021, ang populasyon nito ay 40.2 milyon, ang karamihan ay binubuo ng mga etnikong [[Pastun]], [[Mga Tayiko|Tayiko]], [[Mga Hasara|Hasara]], at [[Mga Usbeko|Usbeko]].
 
Ang modernong estado ng Apganistan ay nagsimula sa [[Imperyong Durrani|halaringdinastiyang Durrani]] noong [[ika-18 dantaon]], ang imperyo sa tuktok nito ay namumuno ng lugar mula sa silangang [[Iran]] hanggang hilagang [[Indiya]]. Kasunod ng paghina nito at pagkamatay ng [[Timur Shah]], nahati ito sa mas maliliit na nagsasariling kaharian ng Herat, Kandahar at Kabul, bago muling pinagsama noong ika-19 na dantaon pagkatapos ng mga digmaan para sa pagkakaisa na pinamunuan ni [[Dost Mohammad Khan]]. Sa panahong ito, naging [[estadong tapon]] ang Apganistan sa "[[Dakilang Laro]]" sa pagitan ng [[Britanikong Raj]] at [[Imperyong Ruso]]. Tinangka ng mga Britaniko sa Indiya na sakupin ang bansa ngunit naitaboy sa [[Unang Digmaang Anglo-Apgano]]. Sa [[Ikalawang Digmaang Anglo-Apgano|ikalawang digmaan]] ay matagumpay na naitatag ang isang Britanikong protektadong estado sa Apganistan, ngunit kasunod ng [[Ikatlong Digmaang Anglo-Apgano|ikatlong digmaan]] noong 1919 ay napalaya ang bansa mula sa dayuhang dominasyon, at sa kalaunan ay lumitaw ito bilang ang malayang [[Kaharian ng Apganistan]] noong Hunyo 1926 sa ilalim ni [[Amanullah Khan]]. Ang kahariang ito ay tumagal ng halos 50 taon, hanggang sa mapatalsik si [[Zahir Shah]] noong 1973, kasunod nito ay naitatag ang isang [[Republika ng Apganistan|republika]], na siya'y hinalili ng isang [[Demokratikong Republika ng Apganistan|demokratikong republika]] pagkatapos ng [[Himagsikang Saur]]. Pagkatapos ng pagbagsak ng komunistang pamahalaan ay pinalitan ito ng isang [[Islamikong Estado ng Apganistan|Islamikong estado]]. Ang kasaysayan ng Apganistan mula noong huling bahagi ng dekadang 1970 ay sumaklaw ng mga kudeta, himagsikan, pagsalakay, insurhensiya, at digmaang pambayan. Ang bansa ay kasalukuyang nasa ilalim ng kontrol ng [[Taliban]], na bumalik sa kapangyarihan at muling itinatag ang [[Islamikong Emirato ng Apganistan (1996–2001)|Islamikong emirato]] pagkatapos maipatalsik ang [[Islamikong Republika ng Apganistan]] sa pagtatapos ng matagalang [[Digmaan sa Apganistan (2001-2021)|20-taong digmaan]] sa bansa.
 
Ang bansa ay kasalukuyang mayroon ng matataas na antas ng [[terorismo]], [[kahirapan]], at [[malnutrisyon]] sa mga kabataan. Ang [[ekonomiya]] ng Apganistan ay ang ika-96 na pinakamalaki sa mundo, na may [[kabuuang domestikong produkto]] na $72.9 bilyon sa pamamagitan ng [[pagkakatulad ng kapangyarihang bumili]]. Mas malala ang kalagayan ng bansa pagdating sa bawat-kapitang KDP, na niranggong ika-169 sa 186 na bansa noong 2018.
== Mga pangunahing lungsod ==
Ang nag-iisang lungsod sa Afghanistan ay ang kabisera nito, ang Kabul. Ang iba pang mataong lungsod ay ang Kandahar, Herat, Mazar-e Sharif, Jalalabad, Ghazni at Kunduz.
596

edits