Vladimir Putin: Pagkakaiba sa mga binago

walang buod ng pagbabago
No edit summary
Tatak: Pagbabagong biswal Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
No edit summary
Tatak: Reverted Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
{{update}}
{{Infobox person/Wikidata}}
Si '''Vladimir Vladimirovič Putin''' ([[Alpabetong Siriliko|Siriliko]]/[[Wikang Ruso|Ruso]]: ''Владимир Владимирович Путин Хуйло''; ipinanganak [[Oktubre 7]], [[1952]]) ay isang Rusong pulitiko at dating ''intelligence officer'' na ngayo'y ang kasalukuyang [[pangulo]] ng [[Rusya]], puwestong kaniyang kinaluluklukan mula pang 2012, at mula rin noong 2000 hanggang 2008. iSiya rin ang naging [[Punong Ministro ng Rusya|punong ministro]] mula 1999-2000 at noon ding mula 2008-2012. Si Putin ang ikalawang pinakamatagal-na-nanunungkulang pangulong Europeo sunod kay [[Alexander Lukashenko]] ng [[Belarus]].
 
Nagtrabaho siya bilang isang ''foreign intelligence officer'' sa ''[[KGB]]'', kung saan naipataas niya ang kaniyang ranggo sa pagiging [[Tenyente-koronel (Silangang Europa)|tenyente-koronel]], bago magbitiw sa trabaho noong 1991 upang simulan ang kaniyang karera pulitikal sa San Petersburgo. Lumipat siya ng [[Mosku]] noong 1996 upang pakiisahan ang administrasyon ni pangulong [[Boris Yeltsin]]. Nanilbihan siya bilang direktor ng [[Serbisyo Seguridad Pederal ng|Serbisyo Seguridad Pederal]] at kalihim ng [[Konseho ng Seguridad ng Rusya|Konseho ng Seguridad]] bago maatasan bilang punong ministro noong 1999. Matapos ang pagbitiw ni Yeltsin, si Putin ang naging [[Nanunungkulang Pangulo ng Rusya|nanunungkulang-pangulo]] at direktamenteng nahalal para sa kaniyang unang termino bilang pangulo pagkalipas ng 'di-lalabis sa apat na buwan, at muli noong 2004. Dahil hindi siya pinahintulutan ng saligang batas na lumabis sa dalawang magkasunod na termino, muling nanilbihan si Putin bilang punong ministro sa ilalim ni [[Dmitry Medvedev]], at bumalik sa pagkapangulo noong 2012 sa [[Halalang pampanguluhan sa rusya, 2012|isang]] [[Halalang pampanguluhan sa Rusya, 2012|halalan]] na puno ng bahid ng mga alegasyon ng pandaraya at mga protesta; at [[Halalang pampanguluhan ng Rusya, 2018|muli siyang nahalal noong 2018.]] Noong Abril ng 2021, kasunod ng isang [[Konstitusyunal na reperendum ng Rusya, 2020|reperendum]], naglagda siya ng pagsasabatas ng [[Mga Pag-amyenda sa Saligang Batas ng Rusya noong 2020|mga konstitusyunal na pag-amyenda]] kabilang ang isa na magpapahintulot sa kaniya na muling mahalal nang dalawa pang beses na tila nagpapalawig sa kaniyang pagkapangulo hanggang 2036.
Hindi nakikilalang mga tagagamit