Metapisika: Pagkakaiba sa mga pagbabago

walang buod ng pagbabago
(Rescuing 1 sources and tagging 0 as dead.) #IABot (v2.0.8.6)
No edit summary
 
Isang sangay ng [[pilosopiya]] ang '''Metapisika''' (mula sa [[Wikang Kastila|kastila]] ''metafísica''), at may kaugnayan ito sa mga [[agham-pangkalikasan]], tulad ng [[pisika]], [[sikolohiya]] at ang [[biyolohiya]] ng [[utak]]; at sa [[mistisismo]], [[relihiyon]] at mga paksang [[espirituwal]]. Napakahirap tukuyin ang kahulugan ng metapisika, ngunit bilang pagpapakilala ng paksang ito sa mga di-pilosopo, maaari nating sabihin na pag-aaral ito tungkol sa mga pinakabuod at pinagbabatayang mga kaisipan at paniniwala tungkol sa pinakapuso ng kalikasan ng tunay na nandito at umiiral, na nagsisilbi namang pinakasahig ng iba pang mga kaisipan at paniniwala—tulad ng [[pagmemeron]], [[pag-iral]], [[pangsanlahat]], [[kakanyahan]], [[kaugnayan]], [[kasanhian]], [[kalunanan]], [[kapanahunan]], [[pangyayari]] at maraming iba pa.
 
Isang dahilan na nakakapagpahirap sa pagpapaliwanag kung ano ang metapisika ang napakalaking pagbabago na pinagdaanan ng sangay na ito mula nang pangalanan ng mga patnugot ni [[Aristoteles]] ang sangay ng ito maraming daantaon na ang nakakalipas. Maraming problemang hindi dati-rating ibinibilang na pangmetapisika ang naidagdag sa metapisika. Meron namang dating itinuturing na mga problemang pangmetapisika ang nakaugalian nang ilipat sa ibang nakahiwalay na sangay ng pilosopiya, tulad ng [[pilosopiya ng relihiyon]], [[pilosopiya ng pag-iisip]], [[pilosopiya ng pagdama]], [[pilosopiya ng wika]] at [[pilosopiya ng agham]]. Napakahabang oras ang maaaksaya kung babanggitin ang lahat ng problemang tinataglay, o dati-rating naging bahagi, ng metapisika.
99

edits