Daniel (ng Bibliya): Pagkakaiba sa mga pagbabago

walang buod ng pagbabago
No edit summary
Tatak: VisualEditor: Naipalit Disambiguation links
No edit summary
Si '''Daniel''' ([[Wikang Ebreo|Ebreo]]: דָּנִיּאֵל, ''Daniyel''; [[Wikang Persa|Persa ''(Persian)'']]: دانيال, ''Dāniyal'' o داني, ''Dāni'') na ang kahulugan sa wikang [[Hebreo]] ay "Si [[El (diyos)]] ang aking hukom" ay isang piksiyonal o kathang isang sa [[Aklat ni Daniel]](isinulat noong ika-2 siglo BCE) na inilalarawan bilang isang isang opisyal ng [[Babilonya]] noong ika-6 siglo BCE at ng [[Imperyong Persa|Persiya]] ayon sa [[Bibliya]]. Tinuturing siyang [[propeta]] sa [[Kristyanismo]].
==Talambuhay==
Ayon sa [[Aklat ni Daniel]](isinulat noong ika-2 siglo BCE), noong ikatlong taon ng pamumuno ni [[Jehoiakim]], si Daniel at ang kanyang mga kaibigang sina Hananiah, Mishael, at Azariah ay binihag sa [[Babilonya]] ni Haring [[Nabucodonosor II]]. Si Daniel at ang kanyang mga kaibigan ay pinili dahil sa kanilang katalinuhan at kagandahan upang sanayin sa hukumang Babilonio at binigyan ng mga bagong pangalan. Si Daniel ay binigyan ng pangalang Babilonyo na Belteshazzar (Akkadio: 𒊩𒆪𒈗𒋀, romanisado: Beltu-šar-uṣur, isinulat bilang as NIN9.LUGAL.ŠEŠ) habang ang kanyang mga kaibigan ay binigyan ng mga pangalang Shadrach, Meshach, at Abednego. Si Daniel at ang kanyang mga kaibigan ay tumanging kaininin ang mga pagkain at inumin ang alak na ibinigay ng hari ng Babilonya upang hindi madungisan. Sila ay tumanggap ng [[karunungan]] mula sa [[Diyos]] at nadaig "ang lahat ng mga mahikero at mga enkantador ng kaharian ng Babilonya". Napanigipan ni [[Nabucodonosor II]] ang isang malaking rebulto na gawa sa apat na metal at ang mga paa ay mula sa pinaghalong bakal at putik. Tanging si Daniel ang nakapagbigay ng tamang interpretasyon sa panaginip ng hari na kumakatawan sa apat na kaharian at ang una rito ang [[Babilonya]]. Ang mga ito ay wawasakin ng Diyos at papalitan ng kanyang kaharian. Muling nakapanaginip si [[Nabucodonosor II]] ng isang malaking puno na naging nagbibigay lilim sa buong mundo at ng isang makalangit na pigurang nag-uutos na wasaking ang punong ito. Muli, si Daniel lamang ang nakapagbigay ng tamang interpretasyon sa panaginip. Nang ang anak ni Nabucodonosor II na si [[Belshazzhar]] ayon sa Daniel (ito ay mali dahil sa kasaysayan, si Belshazzhar ay anak ni [[Nabonidus]] at hindi ni Nabucodonosor II) ay gumamit ng mga sisidlan mula sa [[Templo ni Solomon]] para sa kanyang pista, ang isang kamay ay lumitaw at sumulat ng isang misteryosong tanda sa dingding na tanging si Daniel lamang ang tamang nakapagbigay ng interpretasyon. Ang interpretasyon ni Daniel ay ang kaharian ng Babilonya ay ibibigay sa [[Medes]] at [[Imperyong Persiyano]]. Ayon sa Daniel 5:31, si Nabucodonosor II ay tinalo ng isang haring [[Dario ng Medes]](hindi umiral sa kasaysayan). Hinirang ni Dario ng Medes sa mataas na posisyon. Tinangka ng mga nainggit na kalaban ni Daniel na wasakin siya at inakusahang siya ay sumasamba sa [[Diyos]] sa halip na sa hari. Si Daniel ay ipinatapons sa kulungan ng mga [[leon]] ngunit niligtas ng isang [[anghel]]. Ang kanyang mga kalaban ay pinatay at si Daniel ay naibalik sa posisyon. Si Daniel ay nakakita ng mga pangitan ng apat na kaharian na kumakatawan sa Babilonya, Medes, Persiya at Gresya (Daniel 8) at paglitaw ng isang munting sungay mula sa hari ng hilaga(Daniel 8 at 11) na mag-uusig sa mga Hudyo at maglalagay ng [[karumaldumal na pagsalangsang]] at magpapatigil ng handog sa templo[[Templo ni Solomon]] sa loob ng isang taon at mga taon at kalahati ng panahon, Daniel 7:25 (tatlongtatlo't kalahating taon). Ang haring ito ay kumakatawan sa hari ng hilaga ([[Imperyong Seleucid]] na si [[Antiochus Epiphanes IV]] na nagpatigil ng mga handog sa [[Templo ni Solomon]] , umusig sa mga Hudyo, pinagbawal ang pagsasanay ng [[Hudaismo]] at naglagay ng [[karumaldumal na kalapastanganan]] o rebulto ni [[Zeus]] noong 167 BCE. Dahil dito, ang mga [[Macabeo]] ay nag-alsa laban sa [[Imperyong Seleucid]] at natalo ito at inaalala sa isang mahalagang pista sa Hudaismo na [[Hanukah]].
==Tingnan din==
*[[Aklat ni Daniel]]
4,238

edit