Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Wikang pasenyas ng mga Pilipino"

dagdag
(→‎Mga talabanggitan: mga sanggunian)
(dagdag)
 
Ang '''wikang pasenyas ng mga Pilipino''' o '''wika ng pagsenyas sa Pilipinas''', tinatawag na ''Filipino sign language'' (FSL) at ''Philippine sign language'' sa [[wikang Ingles|Ingles]] ay isang uri ng manwal at biswal (namamasdan ng mata) na komunikasyon na ginagamit ng mga mamamayang bingi at pipi sa bansang [[Pilipinas]]. Isa itong pakikipagunayang ginagamitan ng mga hudyat at sagisag na isinasagawa ng mga kamay ng mga taong sanay dito, partikular na ang mga taong hindi nakapagsasalita at hindi nakaririnig, ngunit kabilang ang mga naglilingkod bilang mga [[pagpapaunawa|tagapagpaunawa]]ng bihasa rin sa ganitong anyo ng pakikipagtalastasan.<ref name=Abat/>
 
Sapagkat may malaking impluho ang [[American Sign Language|American Sign Language (ASL)]] sa ''Filipino Sign Language'', may ilang mga binging mamamayan ang nagsasabing ang ASL lamang ang tunay na wika ng pagsesenyas at ang FSL ay isa lamang mga panghudyat na pantahanan. Gayondin, may malaking impluwensiya rin sa FSL ang ''[[Signing Exact English|Signing Exact English (SEE)]]'' na pinakaginagamit sa mga paaralan ng mga bingi sa Pilipinas.<ref>[http://www.signwriting.org/philippines/philippines02.html Filipino Sign Language] - Signwriting.org Official Website </ref>
 
Buo ang pakikipagugnayan - komunikasyong total - ang ginagamit sa mga paaralan ng mga hindi nakaririnig, kung saan kapwa nagsasalita at sumensenyas ang mga tagapagturo. Bilang kagamitan ng ''[[Peace Corps]]'' ng Estados Unidos, itinuturing ang ''[[American Sign Language]]'' bilang pangalawang wika ng mga bingi sa Pilipinas. Tinatayang may mga 300,000 mga tao na may suliranin sa pandinig ang gumagamit nito at may mga 100,000 hanggang 4.2 milyong mamamayan ang mayroon problemang pagkabingi.<ref>[http://library.gallaudet.edu/deaf-faq-stats-other.shtml Deaf Statistics] - Gallaudet University Library</ref>
 
Noong 2003, nagsagawa ang ''[[Philippine Federation of the Deaf]]'' ng isang proyekto na magpapaunlad, sa loob ng tatlong taon, ng mga [[talahuluganan]] at mga panturong mga materyales, kasama maging ang isang talaang-pahibalo o ''database'' ng mga impormasyong pangwikang pasenyas. Isinagawa ito na may tulong-panggugulin ang pamahalaang Hapon.<ref>[http://www.ph.emb-japan.go.jp/bilateral/oda/2003/26.htm Project for Publication of "Introduction to Filipino Sign Language"] - Embassy of Japan in the Philippines News Archive 2003</ref>
 
==Kasaysayan==
166,389

edits