Soneto: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
ginawan na lamang ng artikulo
Tatak: Disambiguation links
No edit summary
Tatak: Disambiguation links
Linya 1:
[[File:Petrarch_canzoniere.jpg|thumb|upright=0.9|Unang limang soneto ng ''Il Canzoniere'' ni Petrarch]]
Ang isang '''soneto''' ay isang anyong [[panulaan|patula]] na nagmula sa tulaing nilikha sa Korte ng [[Banal na Imperyong Romano]] ni [[Federico II, Banal na Emperador ng Roma|Federico II]] sa Sisilyanong lungsod ng [[Palermo]]. Binigyan kredito ang [[ika-13 dantaon]] na makata at notaryong si Giacomo da Lentini sa pag-imbento ng soneto, at ang Paaralang Sisilyano ng mga makata na pumapalibot sa kanya noon na pinakalat ang anyo sa pangunahing kalupaan. Bagaman, wala na ang mga pinakaunang mga soneto sa orihinal na wikang Sisilyano, subalit naisalin ang mga ito sa [[wikaing Toscano]].
 
Hinango ang katawagang "soneto" mula sa salitang [[wikang Italyano|Italyano]] na ''sonetto'' (lit. "maliit na awitin", na hinango mula sa salitang [[wikang Latin|Latin]] na ''sonus'', nangangahulugang isang tunog). Pagsapit ng ika-13 dantaon, pinapahiwatig nito ang isang tula na may labing-apat na linya na sinundan ng isang mahigpit na pamamaraan at kayarian sa [[tugma|pagtugma]].
 
Si Guittone d'Arezzo ang nagdala ng anyong soneto sa [[Toscana]] kung saan inangkop ito sa wikaing Toscano nang itinatag niya ang Sikulo-Toscano, o Guittoniyanong paaralan ng panulaan (1235–1294). Halos naisulat niya ang 250 soneto.<ref>{{cite book| url = https://books.google.com/books?id=spKxJeHJgTAC&pg=PA1053| title = ''Medieval Italy: an encyclopedia, Volume 2,'' Christopher Kleinhenz| isbn = 9780415939317| last1 = Kleinhenz| first1 = Christopher| year = 2003|language=en}}</ref> Sa mga iba pang sumunod na mga makatang Italyano, naging katangi-tangi ang mga soneto nina [[Dante Alighieri]] at Guido Cavalcanti, ngunit si [[Petrarch]] ang naging pinakatanyag at malawak ang impluwensya.
 
Naging laganap ang pagsulat ng soneto sa lipunang [[Italya]]no, at sa mga nagsasanay nito ay nakilala sa ibang larangan: halimbawa dito ang mga pintor na sina [[Giotto]] at [[Michelangelo]], at ang astronomong si [[Galileo Galilei|Galileo]]. Tinala ng akademikong si [[Giovanni Mario Crescimbeni]] ang 661 makata noong [[ika-16 na dantaon]].<ref>"Critical History of the Sonnet", ''Dublin Review'' 79 (1876), [https://www.google.co.uk/books/edition/Dublin_Review/m1YVAQAAIAAJ?hl=en&gbpv=1&dq=Ruckert+%22Geharnischte+Sonette%22&pg=PA418&printsec=frontcover p. 409] (sa Ingles)</ref> Kaya, napakakaraniwan ang soneto, na sa kalaunan, sa pananalita ng isang mananalaysay sa [[panitikan]], "Walang kaganapan na napakaliit, walang napakapalasak, hindi makapapagbubukas ang isang mangangalakal ng isang mas malaking tindahan, hindi makakakuha ng karagdagang sweldo ng iilang ''scudi'' ang isang kawani ng pamahalaan subalit kailangang ipagdiwang ang kaganapan ng lahat ng kanyang kaibigan at kakilala, at bihisan ang kanilang pagbati sa isang kopya ng mga taludtod, na halos walang duda na ipinalagay sa anyong ito."<ref>[[Richard Chevenix Trench]], "The History of the English Sonnet" (London, 1884), [https://archive.org/details/sonnetswilliamw00wordgoog/page/n13/mode/2up p.ix] (sa Ingles)</ref>
 
Sang-ayon kay Christopher Blum, noong panahon ng [[Renasimyento]], ang soneto ay naging "naging pagpipiliang paraan ng pagpapahayag ng romantikong pag-ibig".<ref>Christopher O. Blum, [https://www.crisismagazine.com/2012/a-poet-of-the-passion-of-christ "A Poet of the Passion of Christ"], Crisis Magazine, 2 Abril 2012. (sa Ingles)</ref> Sa panahon din na iyon, kinuha ang anyo sa maraming iba pang bahagi ng [[Mga wikang Indo-Europeo|wikang Europeo]] at sa kalaunan, kahit anumang paksa ay tinuturing na tinatanggap para sa mga manunulat ng soneto. Nagdulot ang pagkayamot sa patakaran ng anyo ng maraming pagkakaiba-iba sa pagdaan ng mga siglo, kabilang ang pag-iwan sa limitasyong ''quatorzain'' at kahit pa ang tugma sa kabuuan sa makabagong panahon.