Himagsikang Pranses: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Inilikha sa pagsalin ng pahinang "French Revolution"
Inilikha sa pagsalin ng pahinang "French Revolution"
Linya 196:
 
Bago ang 1797, tatlo sa limang Tagapagtungo ay totoongna Republikano; Barras, Révellière-Lépeaux at Jean-François Rewbell, gayundin ang humigit-kumulang 40% ng kinatawang mambabatas. Ang parehong bahagdan ay karamihang nakasentro o walang pampartidong kaugnayan, kasama ang dalawang Tagapagtungo, sina Étienne-François Letourneur at Lazare Carnot . Bagamat 20 bahagdan lamang ang masigasig na Royalista, maraming mga nanggigitna ang sumuporta sa pagpapanumbalik ng ipinatapon na si Louis XVIII ng France sa paniniwalang ito ang magwawakas sa Digmaan ng Unang Pagsasanib kasama ang Britanya at Austriya.{{Sfn|McLynn|1997}} Ang mga halalan noong Mayo 1797 ay nagdulot sa malalaking tagumpay para sa nasa Kanan, kung saan ang mga Royalista na si Jean-Charles Pichegru ay nahalal na Pangulo ng Konseho ng 500, at si Barthélemy ay nagtalaga bilang Tagapagtungo.{{Sfn|McLynn|1997}}
 
Dahil ang mga Royalista ay tila mapapasakamay na ang ugit ng kapangyarihan, nagsagawa ng kudeta ang mga Republikano noong Setyembre 4 . Gamit ang mga tropa mula sa Hukbo ng Italya ni Bonaparte sa ilalim ni Pierre Augereau, napilitan ang Konseho ng 500 na pagtibayin ang pagkadakip kay Barthélemy, Pichegru at Carnot. Kinansela ang mga resulta ng halalan, at may animnapu't tatlong nangungunang royalista ang ipinatapon sa [[French Guiana]] at mga bagong batas na ipinasa laban sa mga emigrés, Royalists at ultra-Jacobins. Bagama't nawasak ang kapangyarihan ng mga monarkista, nagbukas ito ng daan para sa direktang hidwaan sa pagitan ni Barras at ng kanyang mga kalaban sa kaliwa.{{Sfn|McLynn|1997}}
 
Sa kabila ng pangkalahatang pagkapagod sa digmaan, nagpatuloy ang sagupaan at ang halalan noong 1798 ay nagpakita ng muling pagkabuhay sa lakas ng Samahang Jacobin. Ang paglusob sa Ehipto noong Hulyo 1798 ay nagpatunay sa mga takot sa Europa sa pagpapalawak ng kapangyarihang Pranses, at nagsimula ang Digmaan ng Ikalawang Pagsasanib noong Nobyembre. Nang walang nanaig na mayorya sa lehislatura, ang mga Tagapagtungo ay umasa sa hukbo sa pagpapatupad ng mga atas at pagkuha ng kita mula sa mga nasakop na teritoryo. Dahil dito, ang mga heneral tulad nina Bonaparte at Joubert ay naging mahalagang mga manlalaro sa pulitika, habang ang hukbo at ang Tagapagtungo ay naging bantog sa kanilang talamak na katiwalian.{{Sfn|McLynn|1997}}
 
Hinahaka na ang Tagapagtungo ay hindi bumagsak dahil sa mga kadahilanang pang-ekonomiya o militar, ngunit dahil noong 1799, marami ang mas ginusto ang mga "kawalang katiyakan ng awtoritaryan na pamumuno kaysa sa patuloy na kalabuan ng parlyamentaryong pulitika". {{Sfn|Hunt|Lansky|Hanson|1979}} Ang tagapagbalangkas ng pagwawakas nito ay si Sieyès, na nang tanungin kung ano ang kanyang ginawa noong Paghahari ng Kilabot ay sumagot umano ng "Nakaligtas ako". Nominado sa Tagpagtungo, ang kanyang unang kilos ay ang pagtanggal sa Barras, gamit ang isang pagaanib na kinabibilangan ni Talleyrand at dating Jacobin na si Lucien Bonaparte, kapatid ni Napoleon at pangulo ng Konseho ng 500.{{Sfn|McLynn|1997}} Noong 9 Nobyembre 1799, pinalitan ng Kudeta ng 18 Brumaire ang limang Mga Tagapagtungo sa Konsuladong Pranses, na binubuo ng tatlong kasapi, sina Bonaparte, Sieyès, at Roger Ducos ; itinuturing ng karamihan sa mga mananalaysay na ito ang pagwawakas ng Himagsikang Pranses.{{Sfn|McLynn|1997}}
 
== Ideolohiyang Jacobin ==
Line 327 ⟶ 333:
 
[[Kategorya:Mga pinagmulan sa wikang Pranses ng CS1 (fr)]]
[[Kategorya:Pages with unreviewed translations]]