Himagsikang Pranses: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Linya 51:
Ang Ikalawang Estado ay naghalal ng 291 na kinatawan, na kumakatawan sa humigit-kumulang 400,000 lalaki at babae, na nagmamay-ari ng humigit-kumulang 25 bahagdan ng lupain at tumitipon at ng mga pampanginoong paningil, at bayad-upahan mula sa kanilang mga nangungupahan. Katulad ng klero, hindi ito isang nagkaisang katawan, at ito'y nahahati sa ''noblesse d'épée'', o ang sinaunang aristokrasya, at ''noblesse de robe'' . Ang huli ay nagmula sa ranggo mula sa hudisyal o administratibong mga katungkulan at malimit na mga masisipag na propesyonal, na nangingibabaw sa mga panrehiyong ''parlement'' at madalas ay masidhing mapaninggil sa panlipunang mga paksa.{{Sfn|Schama|1989}}
 
[[Talaksan:David - Emmanuel Joseph Sieyès.png|left|thumb| Si Abbé Emmanuel Joseph Sieyès, na nagmungkahi na ang Ikatlong Estado ay tumindig at bumukod upang buuin ang sarili nito lamang bilang ang Pambansang Kalipunan]]
Upang tulungan ang mga sugong-kinatawan, bumuo at pumuno ang bawat rehiyon ang isang talaan ng mga kairingan, na kilala bilang ''Cahiers de doléances.''{{Sfn|Frey|Frey|2004}} Bagama't naglalaman ang mga ito ng mga kaisipan na tila masukdol o radikal ilang buwan lamang ang nakalipas, karamihan ay sumuporta sa monarkiya, at ipinapalagay na ang Estados-Heneral ay sasang-ayon sa mga reporma sa pananalapi, sa halip na pangunahing pagbabago sa saligang-batas. {{Sfn|Doyle|2001}} Ang pag-alis ng pagsensura sa mga palimbagan ay nagbigay-daan sa malawakang pamamahagi ng mga pampulitikang sulatin, karamihan ay isinulat ng mga liberal na kasapi ng aristokrasya at itaas panggitnang-uri.{{Sfn|Neely|2008}} Si Abbé Sieyès, isang tagaisip pulitikal at pari na inihalal sa Ikatlong Estado, ay nangatuwiran na dapat itong unahin kaysa sa iba pang dalawa dahil ito ay kumakatawan sa 95 bahagdan ng dami ng mamamayan.{{Sfn|Furet|1995}}
 
Ang Estatados-Heneral ay nagpulong sa Menus-Plaisirs du Roi noong Mayo 5 1789, malapit sa [[Palasyo ng Versailles]] sa halip na sa Paris. Binigyang kahulugan ng madla ang pagpili ng lugar ng kaganapan bilang isang pagtatangkang masupil ang kanilang mga pagtatalo. Gaya ng nakaugalian, ang bawat Estado ay nagtipun-tipon sa magkahiwalay na mga silid, na ang mga muwebles at palamuti pati mga seremonya ng pagbubukas ay sadyang binibigyang-diin ang kataasan ng Una at Pangalawang Estado. Iginiit din nila na ipatupad ang panuntunan na ang mga may-ari lamang ng lupa ang maaaring maluklok bilang mga kinatawan para sa Ikalawang Estado, at sa gayon ay ibinukod at di-naksasama ang napakapopular na Comte de Mirabeau.{{Sfn|Schama|1989}}
 
[[Talaksan:Estatesgeneral.jpg|leftright|thumb| Pagpupulong ng Estados-Heneral noong Mayo 5 1789 sa Versailles]]
Dahil ang hiwalay na mga kapulungan ay nangangahulugan na ang Ikatlong Estado ay maaaring palaging matatalo sa botohan ng dalawang iba, sinikap ni Sieyès na pagsamahin ang tatlo. Ang kanyang pamamaraan ay kailanganin na ang lahat ng mga kinatawan ay pagtibayin ng kabuoang Estados-Heneral, sa halip na ang bawat Estado ay magpapatunay ng sarili nitong mga kasapi. Dahil nangangahulugan ito ng pagkalehitimo ng mga kinatawan na nagmula sa Estados-Heneral, kailangan nilang magpatuloy sa pag-upo bilang isang katawan.{{Sfn|Hibbert|1982}} Pagkatapos ng pinalawig na kawalang-kilos, noong Hunyo 10 ang Ikatlong Estado ay nagpatuloy sa pagpatibay at pagpatunay ng sarili nitong mga kinatawan, isang hakbang na natapos noong Hunyo 17. Makalipas ang dalawang araw, sinamahan sila ng mahigit isandaang kasapi ng Unang Estado, at ipinahayag nila ang kanilang sarili bilang [[Pambansang Kapulungan]] . Ang natitirang mga kinatawan mula sa iba pang dalawang Estado ay pinaanyayahan na sumali, ngunit nilinaw ng Kapulungan na nilalayon nilang gumawa ng batas na mayroon man o wala ang kanilang pagtulong.{{Sfn|Schama|1989}}