Himagsikang Pranses: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Linya 85:
Nagpatuloy ang mga talakayan. Si Mounier, na tinutulungan ng mga mapaninggal tulad ni Gérard de Lally-Tollendal, ay nagnanais ng isang sistemang bikameralidad, na may mataas na kapulungan na hinirang ng hari, na magkakaroon ng karapatan sa pag-beto. Noong ika-10 ng Setyembre, tinanggihan ito ng mayorya na pinamumunuan nina Sieyès at Talleyrand pabor sa isang pagpupulong, habang pinanatili lamang ni Louis ang isang " [[Beto|pansumansalang veto]] "; nangangahulugan ito na maaari niyang ipagpaliban ang pagpapatupad ng isang batas, ngunit hindi ito hadlangan. Sa batayan na ito, isang bagong lupon ang ipinatawag upang magkasundo sa isang saligang-batas; ang pinakapinagtatalunan na paksa ay ukol sa ang [[pagkamamamayan]], na nauugnay sa katanungan tungkol sa balanse sa pagitan ng mga pansariling karapatan at tungkulin. Sa huli, ang 1791 Saligang Batas ay nagtatangi sa pagitan ng 'mga tahas na mamamayan' na humahawak na mga karapatang pampulitika, na tinukoy bilang mga lalaking Pranses na higit sa 25 taong gulang, na nagbabayad ng mga direktang buwis na katumbas ng tatlong araw na paggawa, at 'mga balintiyak na mamamayan', na tasado at natakdaan sa 'mga karapatang sibil'. Dahil dito, hindi ito ganap na tinanggap ng mga masukdol na radikal sa Samahang Jacobin.{{Sfn|Ludwikowski|1990}}
 
[[Talaksan:Sansculottes.jpg|right|thumb| Mga ''sans-culottes'', mga manggagawa ng lungsod ng Paris, 1789]]
Nagdulot ang mga kakulangan sa pagkain at ang lumulubhang katayuan ng ekonomiya ng pagkabigo sa kakulangang pag-unlad, at ang uring manggagawa sa Paris, na tinaguriang "mga walang-salawal" o ''sans -culottes'', ay naging lalong hindi mapakali. Humantong ito sa huling bahagi ng Setyembre, nang ang Rehimiyentong Flandes ay dumating sa Versailles upang palakasin ang Panharing Taliba, at alinsunod sa nakaugaliang pagsasanay ay tinanggap ng isang pormal na piging. Ang popular na galit ay pinalakas ng mga paglalarawan ng press tungkol dito bilang isang 'masibang kahalayan, at sinasabing ang tatlong-kulay na cockade ay pinahamak. Itinuring ang pagdating ng mga hukbong ito bilang isang pagtatangka na takutin ang Pambansang Kapulungan.{{Sfn|Schama|1989}}
 
Sa Oktubre 5 1789, nagtipon ang mga dagsa ng kababaihan sa labas ng Hôtel de Ville, sa panhihimok ng pagkilos na bawasan ang mga halaga ng bilihin, at pagbutihin ang mga panustos ng tinapay. {{Sfn|Doyle|1990}} Ang mga protestang ito ay mabilis na naging politikal, at pagkatapos kunin ang mga armas na nakaimbak sa Hôtel de Ville, humigit-kumulang 7,000 ang nagmartsa sa Versailles, kung saan sila ay pumasok sa Kapulungan upang iharap ang kanilang mga hinaing. Sinundan sila ng 15,000 kasapi ng Pambansang Pananggol sa ilalim ni Lafayette, na sinubukan silang himukon upan tumigil, ngunit nagutos nang naging malinaw na aalis sila kung hindi niya pagbibigyan ang kanilang kahilingan. {{Sfn|Schama|1989}}