Himagsikang Pranses: Pagkakaiba sa mga binago
Content deleted Content added
No edit summary |
m pinataal ang pagwiwika |
||
Linya 99:
Ginawa silang mga empleyado ng estado sa bisa ng Saligang Batas Sibil ng Klerigo noong Hulyo 12, 1790, at gayundin itinakda ang bayaran ng suweldo at isang pamamaraan sistema para sa paghalal ng mga pari at obispo. Tinutulan ito ni [[Papa Pío VI|Papa Pius VI]] at ng maraming Katolikong Pranses dahil itinanggi nito ang awtoridad ng [[Papa]] sa Simbahang Pranses. Noong Oktubre, tatlumpung [[Obispo (Simbahang Katolika)|obispo]] ang naghain ng isang pamamahayag nasulat na tumuligsa sa batas, na lalong nagpasidhi sa pagsasalungat. {{Sfn|Shusterman|2013}}
Nang ang mga klero ay kinailangang manumpa ng katapatan sa Konstitusyon ng Sibil noong Nobyembre 1790, hinati nito ang mga kasapi simbahan sa pagitan ng dalawamput-apat na bahagdan na sumunod sa bagong patakaran, at ang karamihang klero na tumanggi.{{Sfn|Kennedy|1989}} Pinatigas nito ang popular na pagtutol laban sa panghihimasok ng estado, lalo na sa
=== Pampulitikang pagkakahati-hati ===
Linya 110:
Nagpatuloy ang Pambansang Kapulungan sa pagbuo ng mga bagong institusyon; noong Setyembre 1790, inalis ang mga rehiyonal namga ''Parlements,'' at ang kanilang mga legal na tungkulin ay pinalitan ng isang bagong may kasarinlang hudikatura, na may mga paglilitis sa hurado para sa mga kasong kriminal. Gayunpaman, ang mga katamtamang kinatawan ay hindi mapalagay sa mga popular na kahilingan at hinaing para sa pangkalahatan na karapatan upang humalal, mga kapisanan ng manggagawa, at abot-kayang tinapay. Sa taglamig ng 1790 at 1791, nagpasa sila ng isang serye ng mga hakbang na nilayon upang wakasan ang popular na kasukdulan o radikalismo. Kabilang dito ang pagbubukod ng mga mas mahihirap na mamamayan mula sa Pambansang Pananggol, mga pagtatakda upang limitahan sa paggamit ng mga petisyon, paskil at talastasan, at ng Hunyo 1791 ang Batas Le Chapelier ay sumawata sa mga samahang kalakalan at anumang anyo ng samahan o kapisanan ng mga manggagawa.{{Sfn|Tackett|2003}}
Ang
=== Varennes at kasunod ===
Linya 147:
=== Krisis sa politika at pagbagsak ng mga Girondista ===
Inasahan ng mga Girondin na ang digmaan ay magiisa sa mga mamamayan sa likod ng pamahalaan at magbibigay ng katwiran para sa pagtaas ng mga presyo at kakulangan sa pagkain, ngunit natagpuan nila ang kanilang mga sarili na pinatatamaan ng galit ng karamihan. Marami ang umalis papuntang lalawigan. Ang unang pagtatala sa panhukbong tungkulin o ''levée en masse'' noong ika-24 ng Pebrero ay nagdulot ng mga kaguluhan sa Paris at iba pang mga sentrong pangrehiyon. Bukod s pagkalito na sa mga pagbabagong ipinataw sa simbahan, noong Marso ang
Ang ligalig at pagdarahop ay nagdulot sa pagkalikha noong ika-6 ng Abril 1793 ng Lupon ng Pampublikong Kaligtasan, isang tagapagpaganap na lupon na nananagutan sa Kumbensyon.{{Sfn|Shusterman|2013}} Ang mga Girondin ay gumawa ng isang nakakasawi na pagkakamali sa sa pamamagitan ng pagsakdal kay Marat sa harap ng Panghimagsikang Hukuman para sa diumano'y pamamahala sa mga pamumuksa at patayan noong Setyembre; siya ay mabilis na napawalang-sala, na higit na nagpabukod sa mga Girondin mula sa mga ''sans-culottes'' . Nang tumawag si Jacques Hébert para sa isang popular na pag-aalsa laban sa "mga alipores ni Louis Capet" noong 24 Mayo, siya ay inaresto ng Lupon ng Labindalawa, isang tribunal na pinangungunahan ni Girondin na itinatag upang ilantad ang 'mga pakanang sabwatan'. Bilang tugon sa mga protesta ng Commune, ang Lupon ng Pampublikong Kligtasan ay nagbabala "kung sa pamamagitan ng iyong walang humpay na pag-aalasa ay may nangyari sa mga kinatawan ng bansa,. . . Mawawasak ang Paris".{{Sfn|Shusterman|2013}}
Linya 218:
{{Pangunahin|Mga Digmaang Panghimagsikang Pranses}}
[[Talaksan:Valmy_Battle_painting.jpg|right|thumb| Ang tagumpay ng Pransya sa Labanan ng Valmy noong 20 Setyembre 1792 ay nagpatunay sa Panghimagsikang kaisipan ng mga hukbong binubuo ng mga mamamayan]]
Nagpasimula ang Himagsikan ng isang pagkasunod-sunod ng mga tunggalian at labanan na nagsimula noong 1792 at natapos lamang sa pagkatalo ni Napoleon sa Waterloo noong 1815. Sa mga unang yugto nito, ito ay tila hindi malamang magpapatuloy; tumutukoy sa pagtutol ang Saligang Batas ng 1791 ng mga "digmaan para sa layunin ng pananakop", at bagama't muling umusbong ang mga
== Pang-aalipin - Imperyalismo - Ang Himagsikang Haiti ==
Linya 239:
=== Mga Panghimagsikang sagisag ===
Upang maipakita at mapahayag ang mga pagkakaiba sa pagitan ng bagong Republika at ng lumang rehimen, ang mga pinuno ay kailangang magpatupad ng isang bagong pangkat ng mga sagisag na ipagdiwang, sa halip na ang mga lumang simbolo ng pananampalataya at paghahari. Sa layuning ito, ang mga sagisag ay hiniram mula sa mga makasaysayang kalinangan at binigyan ng mga bagong kahulugan, habang ang mga sa lumang rehimen ay winasak o binago patungo sa mga katanggap-tanggap na katangian. Ang mga binagong sagisag na ito ay ginamit upang itanim sa publiko ang isang bagong pakahulugan ng
==== ''La Marseillaise'' ====
Linya 255:
==== Cockade, ''tricolore'' at ang liberty cap====
[[Talaksan:Sans-culotte.jpg|right|thumb| Isang ''sans-culotte'' at ang ''tricolore'']]
Maraming nagsuot ng mga cockade na mga manghihimagsik simula noong 1789. Inipit na nila ngayon ang asul-at-pula na cockade ng Paris sa puting cockade ng Ancien Régime. Hiniling ni Camille Desmoulins sa kanyang mga tagasunod na magsuot ng berdeng cockade noong 12 Hulyo 1789. Ang hikbong-mamamayan ng Paris, na nabuo noong 13 Hulyo, ay nagpatibay ng asul at pulang cockade. Ang asul at pula ang mga
Ang takip ng Liberty, na kilala rin bilang ''Phrygian cap'', o pileus, ay walang paldiyas, pyeltro na hugis balisungsong na ang dulo ay hinila pasulong. Sinasalamin nito ang republikanismo at kalayaan ng mga Romano, na tumutukoy sa ritwal ng Romano ng pagpapalaya o pagtutubos, kung saan ang isang pinalayang alipin ay tumatanggap ng takip sa ulo bilang sagisag ng kanyang bagong kalayaan.{{sfn|Harden|1995|pp=66–102}}
Linya 261:
== Gampanin ng kababaihan ==
[[Talaksan:Chérieux_-_Club_des_femmes_patriotes_dans_une_église_-_1793.jpg|left|thumb| Samahan ng mga makabayang kababaihan]]
Ang ginampanan ng kababaihan sa Himagsikan ay matagal nang paksa ng pagtatalo. Sila ay inalisan ng mga karapatang pampulitika sa ilalim ng ''Ancien Régime'', inuri sila ng 1791 Constitution bilang "balintiyak" na mga mamamayan, na humantong sa mga kahilingan para sa panlipunan at pampulitikang pagkakapantay-pantay para sa mga kababaihan at pagwawakas sa pangingibabawng lalaki. Ipinahayag nila ang mga kahilingang ito gamit ang mga polyeto at samaahan tulad ng ''Cercle Social'', na ang karamihan sa mga miyembrong lalaki ay tinitingnan ang kanilang sarili bilang mga kontemporaryong peminista. {{Sfn|Hunt|1996}} Gayunpaman, noong Oktubre 1793, ipinagbawal ng Pambansang Kalipunan ang lahat ng mga samahan ng kababaihan, na siyang ikinadurog ng kilusan; ito ay dinulot ng pagbibigay-diin sa pagkalalaki sa isang sitwasyon sa panahon ng digmaan, ang tunggalian ukol sa "panghihimasok" ng pagkababae sa mga tungkulin ng estado dahil kay Marie Antoinette, at
[[Talaksan:Olympe_de_Gouges.png|right|thumb| Olympe de Gouges, isang Girondistang manunulat ng ''Pamamahayag ng Mga Karapatan ng Babae at ng Babaeng Mamamayan'', na pinatay noong Nobyembre 1793]]
Ang Lipunan ng Mapanghimagsik na Kababaihang Republikano, isang militanteng grupo sa dulong kaliwa, ay humingi ng batas noong 1793 na magpipilit sa lahat ng kababaihan na magsuot ng tricolor cockade upang ipakita ang kanilang katapatan sa Republika. Hiniling din nila ang mahigpit na pagsupil sa halaga ng bilihin upang hindi maging masyadong mahal ang tinapay – ang pangunahing pagkain ng mga mahihirap na tao. Matapos maipasa ng Convention ang batas noong Setyembre 1793, hiniling ng Mapanghimagsik na Kababaihang Republikano ang mahigpit na pagpapatupad, ngunit tinutulan sila ng mga babaeng nagtitinda sa palengke, mga dating tagapaglingkod, at mga babaeng nanampalataya na mahigpit na sumalungat sa mga panunupil sa presyo (na magpapaalis sa kanila sa negosyo) at nagalit sa mga pag-atake sa maginoo at sa pananampalataya. Sumiklab ang suntukan sa mga lansangan sa pagitan ng dalawang paksyon ng kababaihan.
Linya 325:
Noong ika-20 siglo, binigyang-diin ng mga mananalaysay na naimpluwensyahan ni Marx, lalo na si Albert Soboul, ang gampanin ng mga magsasaka at manggagawa sa lungsod sa Himagsikan at ipinakita ito bilang [[tunggalian ng uri]] . {{Sfn|Rude|1991}} Ang pangunahing tema ng katwirang ito ay ang Himagsikan ay lumitaw mula sa lumalambo at umuusbong na burgesya, na may suporta mula sa mga <nowiki><i>sans-culottes</i></nowiki>, na nagkaisa upang sirain ang uring maginoo o aristokrasya.{{Sfn|Comninel|1987}} Ngunit, ang mga Kanluraning paham ay unti-unting tinalikuran ang mga Marxismo na pagdadalumat noong dekada 1990; habang para sa marami ang ang tema ng tunggalian ng uri ay na napawalang-saysay, ngunit walang bagong paliwanag na modelo ang nakapalit dito na nakakuha ng malawakang suporta.{{Sfn|Spang|2003}} {{Sfn|Bell|2004}} Gayunpaman, sa Kanluraning kasaysayan, ang Himagsikang Pranses ay nakikita pa rin bilang isang mahalagang punto ng paghahati sa pagitan ng [[Makabagong kasaysayan|maagang pagkakabagong yugto ng kasaysayan]] at huling modernong mga panahon, at sa gayon ay isa sa pinakamahahalagang mga kaganapan nito.{{Sfn|Spang|2003}}
Sa loob ng Pransiya, ang Himagsikan ay pangmatagalang pinilayan ang kagamhanan ng maginoo, at pinatuyo patigang ang kayamanan ng Simbahan, bagaman ang parehong institusyon ay nakaligtas sa kabila ng pinsalang natamo nila. Matapos ang pagbagsak ng [[Unang Imperyong Pranses|Unang Imperyo ng Pransya]] noong 1815, nawalan ng maraming karapatan at kalayaan ang masa o publikong Pranses mula noong Himagsikan, ngunit naalala ang pasalihang pulitika na naging katangian ng panahon. Ayon sa isang mananalaysay: "Libu-libong lalaki at kahit maraming babae ang nagkaroon ng karanasan sa larangan ng pulitika: sila ay nagsalita, nagbasa, at nakinig sa mga bagong pamamaraan; sila ay bumoto; sila ay sumapi sa mga bagong organisasyon; at sila ay lumakad para sa kanilang pampulitikang layunin. Ang Himagsikan ay naging isang nakaugalian (o
=== Mga pagkiling sa makasaysayang pagsulat ng Himagsikang Pranses ===
Linya 334:
Kabilang na sa kanila ay ang mga nagpapakilala sa kanilang mga sarili sa mga di-Jacobin na manghihimagsik, lalo na si Brissot at ang kanyang partido. Bagaman isang pangunahing mukha sa mga rmanghihimagsik, si Brissot ay bihirang pinahahalagahan ng mga mananalaysay. Ang isang kapansin-pansing bumukod dito ay J. Israel sa ''Revolutionary Ideas''. Bilang resulta, inatake siya ng mga kapanig ni Robespierre. Si Israel ay interesado hindi lamang kay Brissot kundi sa lahat ng nakapaligid sa kanya, tulad na lamang ni Condorcet, na nag-uugnay sa lahat ng mga manghihimagsik ito sa mga intelektuwal na Europeo na tinatawag niyang "radical enlighteners". Sa 'A Response to Chappey and Missé', sumulat ang Israel: "Gusto kong ipakita na patungkol sa makarepublikang demokratikong ubod ng Himagsikang Pranses, si Robespierre ay hindi sa anumang paraan ang "La révolution incarnée" (engkarnasyon ng himagsikan), halos kabaligtaran pa nga. Malinaw, ang aking libro ay tuluyang sumasalungat sa kamakailang nauuso sa talasaysayan ng Himagsikang Pranses, mula noong 2000, na ang ilan ngayon ay matagumpay na itinalaga ang "retour de Robespierre." [. . . ] Binibigyang-kahulugan nina Belissa at Bosc ang mga naminsala at nanira kay Robespierre bilang "contra-revolutionnaire" ngunit ang terminong iyon ay bahagya na nalalapat sa mga radikal tagapaliwanag na tinututukan ko..."
Salungat sa mga mananalaysay na nakikiisa sa mga manghihimagsik ay ang mga kritikal na mananalaysay na tumitingin sa labas ng himagsikan, sa
== Tingnan din ==
|