Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Pandacan, Maynila"

m
spelling
(corrected en)
m (spelling)
Matatagpuan sa Pandakan ang kanlurang kalahati ng Palasyo ng Malakanyang na nahati ng Ilog Pasig (ang silangang bahagi ay nasa pook San Miguel). Ang bahaging ito ng kabuuang pook na sumasakop sa opisyal na tahanan ng Pangulo ng Pilipinas ay mas kilala sa tawag na Liwasang Malacanan na nagsisilbing tirahan para sa mga taga-pagtanggol ng Pangulo.
 
Naging makasaysayan ang Pandakan sa pamamagitan ni [[ApolonarioApolinario Mabini]], na dati'y taga probinsya ng Batangas. Nagsilbing tirahan ni Mabini ang Pandakan, ang unang Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Pang-labas ng Pilipinas sa panahon ni Pangulong [[Emilio Aguinaldo]]. Sa kasalukuyan, ang tirahan ni Mabini ay nakatayo pa rin at isang pook puntahan para sa mga mag-aaral ng kasaysayan.
 
Ang dating tirahan ni dating Unang Ginang [[Imelda R. Marcos]] ay nasa Pandakan at ito'y matatagpuan sa harap ng Parokya ng Santo Nino de Pandacan sa kanto ng kalye Hesus at Labores. Ang lumang tirahan ni Ginang Marcos sa Pandakan ang nagsisilbing ugat niya sa pagiging residente ng Maynila, maliban sa kanyang pook kapanganakan sa Probinsya ng [[Leyte]].