Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "El filibusterismo"

walang buod ng pagbabago
m (robot binago: en:El Filibusterismo)
[[Image:B168.jpg|thumb|right|Ang sulat-kamay na kopyang ''facsimile'' ng unang pahina ng ''El filibusterimo'']]
 
Ang '''''El filibusterismo''''' ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng [[Pilipinas]] na si [[Jose Rizal]], na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na [[Gomburza]] o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa ''[[Noli Me Tangere]]'' at tulad sa ''Noli'', nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa [[Wikang Kastila|Kastila]]. Sinimulan niya ang akda noong OktoberOktubre ng [[1887]] habang nagpapraktis ng medisina sa [[Calamba]].
 
Sa [[Greater London|London]], noong [[1888]], gumawa siya ng maraming pagbabago sa ''plot'' at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa [[Lungsod ng Paris|Paris]], [[Lungsod ng Madrid|Madrid]], at [[Lungsod ng Brussel|Brussel]], at nakompleto niya ito noong [[Marso 29]], [[1891]], sa [[Lungsod ng Biarritz|Biarritz]]. Inilathala ito sa taon ring iyon sa [[Lungsod ng Gent|Gent]]. Isang nagngangalang [[Valentin Ventura]] na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng [[pera]] sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong [[Setyembre 22]], 1891.
Hindi nakikilalang mga tagagamit