Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pangkat ng Walo"

Paglilinis
(Paglilinis)
(Paglilinis)
Ang '''Pangkat ng Walo (P8)''' ([[wikang Inggles|Inggles]]: ''Group of Eight'' o ''G8'') ay isang sabansaang poro ng mga pamahalaan ng [[Alemanya]], [[Hapon]], [[Italya]], [[canada|Kanada]], [[Estados Unidos|Mga Nagkakaisang Estado]], [[United Kingdom|Mga Nagkakaisang Kaharian]], [[Pransya]], at [[Rusya]]. Tumutukoy ang G8 sa mga bansang-kasapi o sa taunang pagtitipon ng mga puno ng pamahalaan ng G8. Ang mga ministrong G8 ay nagpupulong din sa kabuuan ng taon, tulad ng mga ministrong pananalapi ng G7/8 (na nagpupulong nang apat na beses sa isang taon, mga ministro sa ugnayang panlabas o mag ministro sa kapaligiran. Ang [[Unyong Europeo]] ay kumakatawan din sa mga pagpupulong sa pamamagitan ng pangulo ng [[Komisyong Europeo]] at ang umiikot na Panguluhan ng [[Sanggunian ng Unyong Europeo]].
 
Bawat pangkalendaryong taon, ang tungkulin bilang punung-abala sa G8 ay umiikot sa pamamagitan ng mga bansang-kasapi sa mga sumusunod na ayos: [[Pransya]], [[Estados Unidos|Mga Nagkakaisang Estado]], and [[United Kingdom|Mga Nagkakaisang Kaharian]], [[Rusya]], [[Alemanya]], [[Hapon]], [[Italya]] at [[Canada|Kanada]]. Isinasaayos ng humahawak ng [[panguluhan]] ang mga talausapan, nagpupunung-abala ng pagtitipon para sa taong iyon at nagpapasiya kung saan gaganapin ang mga pagpupulong pangministeryo. Kamakailan, ang mga bansang Pransya at Mga Nagkakaisang Kaharian ay nakapagpahiwatig ng adhikain sa pagpapalawak ng pangkat na ito at isama ang mga limang umuunlad na bansa, na tinutukoy bilang Pag-abot sa Lima (''Outreach 5'' o ''O5'') o Dagdag Lima (''Plus Five''): [[Brazil|Brasil]], [[Indya]], [[Mehiko]], [[Timog Aprika]] at [[Tsina]]. Ang mga bansang ito ay nakalahok bilang mga panauhin sa mga dating pagpupulong, na tinuturing nang minsan G8+5.
 
==Pagkakabuo at mga gawain==
Ibinalak ng G8 ang pagiging porong di-pormal, at samakatuwid ito'y may pagkukulang sa istrakturang administratibo tulad sa mga sabansaang organisasyon kagaya ng [[United Nations|Mga Nagkakaisang Bansa]] o [[Bangkong Pandaigdig]]. Ang pangkat ay walang palagiang sekretarya, o mga anumang tanggapan para sa mga kasapi. Ang panguluhan ng pangkat ay umiikot nang taunan sa mga bansang-kasapi na may bagong takdang tagal ng panahon simula sa [[Enero 1]] ng taon. Ang bansang humahawak ng panguluhan ay may tungkulin sa pagpaplano at pagpupunung-abala ng pagkakasunud-sunod na pagpupulong ng antas-pangministeryo, nagtutulak sa pamumuno sa gitnang-taunang pagtitipon na pinagdaluhan ng mga puno ng pamahalaan.
 
Ang mga pagpupulong pangministeryo ay nagdadala ng mga ministro sa pagsasama sa pagtupad ng mga tungkulin ukol sa iba't ibang portpolyo upang talakayin ang mga isyu ng alintanang pagbibigayan o pandaigdig. Ang saklaw ng mga paksa ay ibinilang ang kalusugan, pagpapairal ng batas, paggawa, kaunlarang pang-ekonomiya at panlipunan, enerhiya, kapaligiran, ugnayang panlabas, katarungan at panloob, terorismo at kalakalan. Mayroon ding hiwalay na lipon ng mga pagpupulong na kinikilala bilang "[[G8+5]]" na nilikha sa noong [[2005]] sa pagtitipon sa [[Gleneagles]], [[Scotland|IskatlandEskosya]] na pagtitipon, na dinaluhan ng mga ministro sa pananalapi at enerhiya mula sa lahat ng mga walong bansang-kasapi kasama rin ang limang "Pag-abot sa mga Bansa": [[Brazil|Brasil]], [[Indya]], [[Mehiko]], [[Timog Aprika]] at [[Tsina]]. Noong Hunyo 2005, ang mga ministro ng katarungan at mga ministro ng panloob mula sa mga bansang G8 ay pumayag na magbunsod ng sabansaang batayang datos sa pedopilya.<ref name=pedophile>[http://society.guardian.co.uk/children/story/0,,1509107,00.html G8 sa pagbubunsod ng sabansaang batayang datos sa pedopilya] David Batty Hunyo 18, 2005 [[The Guardian]] </ref> Ang mga opisyal ng G8 ay pumayag din na ipagsama ang mga datos sa terorismo, ipasailalim sa mga hangganan sa pamamagitan ng pagsasarilinan at batas sa seguridad sa mga pangisahan bansa.<ref name=terrorismdata>[http://www.guardian.co.uk/uk_news/story/0,,1509218,00.html G8 sa pagsasama ng mga datos sa terorismo] Martin Wainwright Hunyo 18, 2005 [[The Guardian]]</ref>
 
==Mga sanggunian==