Pusod (paliparan): Pagkakaiba sa mga binago

Itinanggal ang "isang"
mNo edit summary
(Itinanggal ang "isang")
:''Tungkol ito sa pusod na pang-abyasyon, para sa ibang gamit tingnan ang [[pusod (paglilinaw)]].''
 
Sa [[abyasyon]], ang '''pusod''' ay isang [[paliparan]] na ginagamit ng isang ''airline'' - linya ng eroplano - bilang punto ng paglilipat para maihatid ang mga pasahero sa kanilang paroroonan. Bahagi ito ng isang [[modelong masa't rayos ng pamamahagi|modelong masa't rayos]], kung saan ang mga manlalakbay na kumikilos sa pagitan ng mga paliparang 'di nalilingkod ng mga tuwirang lipad ay lumilipat ng eroplano papunta sa kanilang mga paroroonan. Maraming pusod ng mga ''airline'' ay nakahimpil rin sa mga paliparan ng lungsod ng punong tanggapan nito.
 
Iilan sa mga ''airline'' ay maaaring gumamit ng nag-iisang pusod, ngunit may ibang mga ''airline'' na gumagamit ng maraming pusod. Ginagamit ang mga pusod para sa mga lipad [[paglalakbay sa himpapawid|pampasahero]] at [[kargamiyento sa himpapawid|pang-kargamiyento]]. Maraming ''airline'' rin ay gumagamit ng mga [[lungsod ng tampulan]] (''focus city'') na gumagana rin sa patas na kalagayan sa mga pusod, ngunit may mas kaunting bilang ng mga lipad. Maaari ring gumamit ang mga ''airline'' ng mga '''sekundaryang''' pusod, isang 'di-teknikal na salita para sa mga malaking lungsod ng tampulan.