Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Mga Ibong Mandaragit"

(kawing sa paglilinaw)
Si ''Mando'' “Andoy” ''Plaridel'' ang pangunahing tauhan sa nobelang ito. Ang tunay na pangalan niya ay ''Alejandro Pamintuan''. Ngunit nang sumapi siya sa kilusan ng mga gerilyero ay ginamit niya ang pangalang ''Mando''. Naging gerilyero si Mando nang ipagkanulo siya sa mga Hapon ng amo niyang si ''Don Segundo Montero'', isang mayamang asendero at kolaborador na nakatira sa [[Look ng Maynila]]. Dating pinag-aaral si ''Andoy'' ng mangangalakal na si Don Segundo, na ang tanging pasuweldo lamang ay ang pantustos sa pag-aaral.
 
===Si Don Segundo Montero===
Bilang mayamang may-lupa at may pagpapahalaga sa pagpapanatili ng katayuan sa lipunan – sa panahon man ng kapayapaan o digmaan – nakipagkasunduan si ''Don Segundo Montero'' sa mga bagong mananakop na mga Hapones. Ginamit niya ang kaniyang pananalapi, mga pag-aaring bagay, mga kamaganak at mga tauhan. Maging ang anak niyang si ''Dolly'' ay ginamit ang kakanyahan bilang babae at ang pamukas na “pag-ibig” sa pakikisama sa mga Hapon, at nang lumaon, sa mga opisyal na Amerikano rin.
 
Inulit ni Don Segundo Montero ang kaniyang kakayahang makipagkaibigan sa mga Amerikano, matapos na matalo ng mga huli ang mga Hapones.
 
==Buod==
Anonymous user