Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Mga Ibong Mandaragit"

 
 
===Si Don Segundo Montero===
==Buod==
Bilang mayamang may-lupa at may pagpapahalaga sa pagpapanatili ng katayuan sa lipunan – sa panahon man ng kapayapaan o digmaan – nakipagkasunduan si ''Don Segundo Montero'' sa mga bagong mananakop na mga Hapones. Ginamit niya ang kaniyang pananalapi, mga pag-aaring bagay, mga kamaganak at mga tauhan. Maging ang anak niyang si ''Dolly'' ay ginamit ang kakanyahan bilang babae at ang pamukas na “pag-ibig” sa pakikisama sa mga Hapon, at nang lumaon, sa mga opisyal na Amerikano rin.
===Simula===
Nagumpisa ang nobelang ''Mga Ibong Mandaragit'' sa kalagitnaan ng [[1944]], sa isang araw ng [[Setyembre]], kung kailan nadarama na ang pagsisimula ng panghihina ng puwersa ng mga hukbo ng Imperyo ng Hapon sa Pilipinas. Habang lumalakas naman ang mga gawaing pakikidigma ng mga gerilyerong Pilipino at itutulong ay nasa loob pwersang komonwelt ng mga sundalong Pilipino na galing sa [[Sandatahang Lakas ng Pilipinas]] sa Luzon. Nangyayari ang mga ito bagaman hindi pa dumarating ang pangakong pagbabalik ng mga kawal ng Estados Unidos, na ipinangako ni [[Theodore Roosevelt]] at [[Douglas MacArthur]].
 
Inulit ni Don Segundo Montero ang kaniyang kakayahang makipagkaibigan sa mga Amerikano, matapos na matalo ng mga huli ang mga Hapones.
===Mga piling pangyayari===
Nagsimula ang unang kabanata sa paglubog ng araw sa kagubatan. Narating ni ''Mando Plaridel'' - at ng dalawang pa niyang kasama - ang bahay-kubo ni ''Tata Matyas'' na nasa bulubundukin ng [[Sierra Madre]]. Si Tata Matyas ay isang dating rebolusyonaryo na nakibaka laban sa mga [[Kastila]] at [[Amerikano]]. Ang mga kasama ni Mando ay sina ''Karyo'' at ''Martin'', na mga kapwa gerilyero rin. Tumakas sila mula sa isang bigong pakikipagtunggali laban sa mga sundalong Hapones na lumusob sa kampo nila sa Sampitan. May mga tatlo o apat na buwan na ang nakaraan ng huling dumalaw si Mando sa tirahan ni Tata Matyas. Noong huling pagbisita ni Mando kay Tata Matyas ay nakapagpalitan sila ng mga usapin hinggil sa kanilang mga sariling suliranin, at maging tungkol sa simulain nila sa kilusan. Napagusapan din nila ang ''[[Noli Me Tangere]]'' at ''[[El Filibusterismo]]'' ni [[Jose Rizal]], lalo na ang kinahinatnan ng kayaman ni ''Simoun'' (ang pangunahing tauhan sa ''El Filibusterismo'') matapos na itapon ang mga ito ni ''Padre Florentino'' (isa pang tauhan sa ''El Filibusterismo''). Ayon kay Tata Matyas, magagamit sana ang kayaman ni Simoun bilang panustos sa mga pangangailangan ng mga gerilya. Naniniwala si Tata Matyas na totoo ang mga tauhan sa mga nobela ng bayaning si Jose Rizal, sapagkat kilala ng kaniyang mag-anak ang tunay na “Padre Florentino”. Kung bata pa lamang siyang katulad ni Mando ay sisisirin niya ang dagat para hanapin ang nawawalang kahang-bakal ni Simoun. Naniniwala rin si Tata Matyas na ang lahat ng mga bayani – bukod pa kina Jose Rizal, [[Andres Bonifacio]], at [[Apolinario Mabini]] – ay dapat na maging huwaran ng mga mamamayang Pilipino.
 
Hinanap at natagpuan ni Mando – mula sa karagatan sa may Atimonan - ang kayaman ni Simoun sa tulong ng mapang ipinagkaloob ni Tata Matyas. Ngunit, sa kabila ng kabutihang palad na ito, namatay sina Karyo at Martin. Sinalakay si Karyo ng isang pating, samantalang si Martin naman – dahil sa pagkanais na masarili ang natuklasang kayaman - ay namatay sa pamamagitan ng mga kamao ni Mando.
 
Nang matapos ang digmaan ay nagbalik nga ang kapayapaan, ngunit nagbalik din ang mga dating pamamalakad ng mga mayayaman at maylupa. Kung kaya’t hindi nawala ang paksang panlipunang iniharap sa pamahalaan, sa mga asendero at sa mangagalakal ng mga samahan ng mga magsasaka sa bukirin at ng mga manggagawa sa lungsod.
 
Nangibang-bayan si Mando upang ipagbili ang mga kayaman at nang maging salapi, sapagkat bago siya umalis ay nagtatag siya ng isang pahayagan, ang ''Kampilan''. Dahil sa kaniyang paglisan mula sa Pilipinas, ipinagkatiwala niya ang pagpapalakad ng Kampilan kay ''Magat'', na isa ring dating kagerilyero. Tatakbo ang imprenta sa tulong din ang iba pang dating mga naging gerilya, katulad nina Tata Matyas, ''Andres'', ''Rubio'', at ''Dr. Sabio''. Si Dr. Sabio naman, na dating guro, ay nangako kay Mando na paiinamin ang mga bagay na itinuturo sa paaralang ''Freedom University'' (Pamantasan ng Kalayaa), na itinatag din ni Mando, para sa ikabubuti ng kabataan. Ang huli ay isa rin sa mga tagubilin ni Mando, bago maglakbay sa [[Europa]] at Estados Unidos.
 
==Mga talasanggunian==
Anonymous user