→Mga impluwensiya: seksyon
AnakngAraw (usapan | ambag) (dagdag) |
AnakngAraw (usapan | ambag) (→Mga impluwensiya: seksyon) |
||
==Mga impluwensiya==
===Mula sa Asya===
May mahalagang gampanin ang pananampalataya sa pagtataguyod ng pasipismo o ng "katiwasayan at kapayapaan." Pangkaraniwang katangian ng mga relihiyon sa [[Asya]] ang paniniwala sa kawalan-ng-kaguluhan, kawalan-ng-karahasan, at di-paglaban. Makikita ito sa mga relihiyong [[Budismo]], [[Taoismo]], at [[Hinduismo]].<ref name=NBK/>
===Kristiyanismo===
Mayroon ding malakas na elemento ng pasipismo sa [[Kristiyanismo]], kabilang na ang mga sekta ng mga ''[[Quaker]]'' o "Lipunan ng mga Magkakaibigan" (''Society of Friends''), partikular na ang mga Simbahan ng mga Magkakapatiran (''Church of the Brethren''), Morabyano (''Moravian''), Menonito (''Mennonite''), at Doukhobor. Laban sa anumang uri ng [[militarismo]] ang mga sektang ito, kung kaya't tumatanggi ang mga kasapi nito sa pagsali at pagsanib sa mga hukbong pang-sandatahang lakas o kaya humawak man ng anumang sandata.<ref name=NBK/>
==Sanggunian==
|