Persentahe: Pagkakaiba sa mga pagbabago

1,614 bytes added ,  14 years ago
→‎Terminolohiya: dagdag na seksyon
(sa baybay)
(→‎Terminolohiya: dagdag na seksyon)
==Terminolohiya==
Kung minsan, binabaybay din ang ''porsiyento'' bilang '''prosiyento'''. Tumutukoy din ang porsiyento sa kahating-halaga o komisyon na natatanggap ng isang tao mula sa pakikipagkasunduang pangkalakal o mula sa paglalaro ng sugal. Maaari din itong tumukoy sa '''tong''' o suhol na ibinibigay sa isang taong may-katungkulan; at maging sa halaga ng interes, patong o tubong halaga na idinadagdag sa orihinal na halaga ng salaping hiniram o inutang.<ref name=JETE/><ref name=Bansa/>
 
==Ebolusyon ng sagisag==
Sinasabing nagmula ang pangkasalukuyang sagisag ng porsiyento mula sa isang kahawig na sagisag na may nakalatag na linya (c. [[1650]]), sa halip na nakahilig, na nagmula naman sa daglat para sa "P cento" (c. [[1425]], ng [[wikang Italyano|Italyano]], o ''per cento'' "para sa isangdaan").<ref>{{cite web |url=http://www.roma.unisa.edu.au/07305/symbols.htm |title=The History of Mathematical Symbols |accessdate=2006-07-18 |last=Weaver |first=Douglas}}</ref>
 
Makikita sa mga larawang ito ang ebolusyon ng "%":
<gallery>
Image:Percent symbol in 1425.svg|"%" Noong ika-15 dantaon, daglat para sa ''per cento''.
Image:Percent symbol in 1650.svg|"%" Noong ika-17 dantaon, na natira nalamang ang ''o'' mula sa ''cento''.
Image:Percent 18e.svg|"%" noong ika-18 dantaon; suriin ang nakapatihilig na guhit
</gallery>
 
Naglalahad rin ang isa pang sanggunian<ref>{{cite web |url=http://www.decodeunicode.org/U+0025 |title=U+0025 PERCENT SIGN}}</ref> ng kahalintulad na salaysayin. Mayroong ilang iba't ibang mga daglat ang pariralang "per cento" (iyan ang "per 100", "p 100", "p cento", atbp). Sa isang punto o pagkakataon, may isang tagasulat o tagatitik ang gumamit na lamang ng "pc" na may maliit na silo o ikot (ginagamit sa numerasyon o pagsusulat ng bilang para sa ''primo'' [pang-una], ''secondo'' [ikalawa], atbp.). Sa kalaunan, nagkaroon ng pahabang guhit na pang-[[pingki]] (''fraction'') ang "pc" na may silo, at nawala ang "per". Sa makabagong panahon, ginagamit natin ang [[Solidus (punctuation)|solidus]] sa halip na isang pahabang-nakahigang guhit na bara o linyang pangharang.
 
==Sanggunian==
166,389

edits