Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Dimos"

2 byte removed ,  11 year ago
m
walang buod ng pagbabago
m
Sa Sinaunang Ellada, ang '''dimos''' (δῆμος, ingles: deme) ay isang lokal na bahagi ng Attiki, ang rehiyon ng Ellada na nasa palibot ng Athina. Mukhang mayroon nang mga dimos noong ika-6 na dantaon B.K. at mas maaga pa pero ito ay simpleng pagbabahagi lamang ng lupain sa kanayunan. Wala itong gaanong kahalagahan hanggang sa magreporma si Kleisthenis noong ika 508 B.K. Sa repormang iyon naging rekisitos sa pagkamamamayan ang pagkakatala sa listahan ng mga mamamayan ng isang dimos. Bago nilikha ang patakarang ito ang pagkamamamayan ay nakabatay sa pagiging kasapi ng isang phatriafatria (φατρία), o pangkat ng pamilya.
 
Sa panahong ito ang mga dimos ay itinatag mismo sa lungsod ng Athina bagama't noong una ay wala nito roon. Sa pagtatapos ng mga reporma ni Kleisthenis ang buong Attiki ay nahati sa 139 na dimos. Pinahina ng pagkakatatag ng mga dimos, bilang pundamental na yunit ng estado, ang genos (γένος), o mga aristokratang pangkat ng pamilya na siyang naghahari sa mga phatriafatria. ([[#Fine1983|Fine 1983]])
 
Gumagana ang isang dimos na parang maliit na polis. Sa katunayan ang ilang dimos tulad ng Elefsina at Acharnes ay mahahalagang bayan. Ang bawat dimos ay may dimarchos (δήμαρχοσ) na siyang namamahala dito. May iba't-iba pang sibil, pangrelihiyon, at pangmilitar na opisyales ang iba-ibang dimos. Nagtatanghal ng kaniya-kaniyang pistang panrelihiyon ang mga dimos. Nangongolekta ito ng buwis at nagagastos ang nabanggit na koleksiyon.(Whitehead sa [[#Hornblower2003|Hornblower & Spawforth 2003]])
175

edit