Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Alkoholismo"

8,949 bytes added ,  12 year ago
Kinansela ang pagbabagong 257023 ni 124.217.107.67 (Usapan)
(Kinansela ang pagbabagong 257023 ni 124.217.107.67 (Usapan))
[[Image:King Alcohol and his Prime Minister.jpg|thumb|225px|right|Larawang pinamagatang ''King Alcohol and his Prime Minister'', nilikha noong bandang 1820]]
Ang '''alkoholismo''' ay isang salitang may iba't iba ngunit magkakasalungat na kahulugan. Sa karaniwan at pangkasaysayan na paggamit, binabanggit ang alkoholismo bilang kahit anong kalagayang nagresulta sa patuloy na pag-inom ng mga [[inuming alkoholiko]] sa kabila ng mga problema sa [[kalusugan]] at negatibong kahihinatnan nito sa [[lipunan]]. Inilalarawan ng [[medisina]] ang alkoholismo bilang isang [[sakit]] na nagresulta sa paulit-ulit na pag-inom ng [[alak]] at iba pang inuming nakalalasing sa kabila ng mga negatibong kahihinatnan nito. Maaari ring banggitin ang alkoholismo sa pagiging maligalig sa pag-inom o pagpilit na makainom ng alak, at maging sa kawalan ng abilidad na makilala ang mga negatibong epekto ng sobrang pag-inom ng alak.
 
Habang kailangan ang pag-inom ng alak upang magkaroon ng alkoholismo, hindi nangangahulugang magkakaroon ang isang tao ng alkoholismo base lamang sa pag-inom ng alak. Iba-iba ang epekto ng alak--at ang pagkakaroon ng alkoholismo--sa bawat tao, lalo na sa mga aspeto ng kung gaano karami at gaano kadalas uminom ng alak. Dagdag pa rito, hindi pa man alam ng mga [[mananaliksik]] ang mga mekanismo sa [[katawan]] ng tao na mag-uugnay sa pagkakaroon ng alkoholismo, ilang mapapanganib na katungkulan ang nakilala na gaya ng [[paligirang panlipunan]] (social environment), [[kalusugang pang-emosyonal]] (emotional health), at [[kalagayang henetika]] (genetic predisposition).
 
==Mga kahulugan==
Sinasabing unang ginamit ang salitang "alkoholismo" noong taong 1852 upang mailarawan ang "sakit na dulot ng sobrang pag-inom ng alak".<ref name=Dict>[http://www.etymonline.com/index.php?term=alcohol Alcohol, Online Etymology Dictionary]</ref> Naging kilala sa [[Estados Unidos]] ang salitang "alkoholismo" nang naitatag ang "[[Alcoholics Anonymous]]", isang grupo ng mga alkoholikong nais gumaling mula sa kanilang kalagayan sa pamamagitan ng pakikipagtipon sa mga kapwa alkoholiko, noong 1939.<ref name=AA>{{citeweb|title=The Big Book Self Test| author=Alcoholics Anonymous| url=http://www.intoaction.us/SelfTest.html| publisher=intoaction.us| accessdate=Marso 22| accessyear=2008}}</ref>
 
Malaki ang pagkakaiba ng mga kahulugan ng alkoholismo sa pagitan ng komunidad ng medisina, mga programa ng panggagamot, at ng pangkalahatang publiko. Isinasalaysay ng ''Journal of the American Medical Association'' ang alkoholismo bilang isang "pangunahing sakit na mahirap lunasan na itinangi sa pamamagitan ng kawalan ng kontrol sa pag-inom ng alak, pagiging maligalig na makainom ng alak, pag-inom ng alak sa kabila ng mga negatibong kahihinatnan, at pamamaluktot ng pag-iisip."<ref name=Journal>{{cite web| url=http://jama.ama-assn.org/cgi/content/abstract/268/8/1012| title=The definition of alcoholism. The Joint Committee of the National Council on Alcoholism and Drug Dependence and the American Society of Addiction Medicine to Study the Definition and Criteria for the Diagnosis of Alcoholism| author=American Medical Association| publisher=The Journal of the American Medical Association, Tomo 268 Blg. 8| date=[[Agosto 26]], [[1992]]| accessdate=Marso 22| accessyear=2008}}</ref>
 
Binibigyang-kahulugan naman ng "DSM-IV" (ang pamantayan sa [[dayagnostiko]] ng [[sikiyatriya]] at [[sikolohiya]]) ang "pang-aabuso sa alkohol" (alcohol abuse) bilang paulit-ulit na paggamit nito sa kabila ng mga mapanganib na epekto. Dagdag pa rito ang "pag-uumasa sa alkohol" (alcohol dependence) na inilarawan bilang pang-aabuso sa alkohol na may dagdag na "pagpaparaanan ng droga" (drug tolerance, o ang pamamanhid ng katawan sa karaniwang dosis ng gamot na nagiging sanhi ng mahigitang pag-inom nito), "abstinensya" (withdrawal), at ang di-makontrol na damdaming makainom ng alak.<ref name=APA>{{cite book| last=VandeBos| first=Gary R.| |editor= |others= |title=APA Dictionary of Psychology| edition=1st ed.| year=2007| publisher=American Psychology Association| location=Washington, D.C.| language=English}}</ref>
 
Itinuturing bilang pundasyon ng modernong teyorya ng alkoholismo ang pag-aaral ng siyentipikong si [[Elvin Morton Jellinek]] noong 1960. Sa kanyang pagsasaliksik, idiniin ni Jellinek na ang dapat ituring na maysakit ang mga alkoholiko.<ref name=Morton>{{citeweb|title=OCTOBER 22 DEATHS|url=http://www.todayinsci.com/10/10_22.htm|publisher=todayinsci.com|accessdate=[[Marso 22]], [[2008]]}}</ref> Samantala, sumasalungat naman ang propesor ng [[pilosopiya]] na si Herbert Fingarette ukol sa pagkilala sa alkoholismo bilang isang sakit, na sa halip ay ginagamit ang katagang "heavy drinking" (sobrang pag-inom) bilang paglarawan sa mga negatibong epekto ng pag-inom ng alak.<ref name=Herbert>{{cite book |last=Fingarette |first=Herbert |editor=Edith Lisansky
Gomberg |title=Current Issues in Alcohol/Drug Studies |origyear=1989 |origmonth= |url=http://books.google.com.ph/books?id=fjyJ3QWJgPQC&printsec=frontcover&hl=en#PPA3,M1 |accessdate=[[Marso 22]], [[2008]] |edition=1st ed. |publisher=Haworth Press |language=English|isbn=0866569650 |pages=p.1 |chapter=The Perils of ''Powell'': In Search of a Factual Foundation for the "Disease Concept of Alcoholism"|}}</ref>
 
==Epidemiyolohiya==
Itinuturing na malaking problema sa kalusugan ng publiko ang sobrang pagkonsumo ng alak at droga. Ayon sa American Psychiatric Association, pinakamadalas abusuhin ng mga pasyenteng nagpapalunas ang alak.<ref name=Gabbard>{{cite book| last=Gabbard| first=Glen O.| title=Treatments of Psychiatric Disorders| origyear=2001| origmonth=Nobyembre| accessdate=[[Marso 22]], [[2008]]| edition=3rd ed.| publisher=American Psychiatric Publications, Inc.| language=English| isbn=0880489103}}</ref> Samantala sa [[United Kingdom]], itinala na mahigit sa 2.8 milyon ang bilang ng mga "mapang-asang manginginom" (dependent drinkers) noong 2001.<ref name=cosu>{{cite book| last=Cabinet Office Strategy Unit (United Kingdom)| title=Alcohol misuse: How much does it cost?| url=http://www.strategy.gov.uk/downloads/files/econ.pdf| origyear=2003| origmonth=Setyembre| accessdate=[[Marso 22]], [[2008]]| page=p.8}}</ref> Inestima naman ng [[World Health Organization]] na 140 milyong katao sa buong [[mundo]] ang may pag-uumasa sa alkohol.<ref name=Who>{{cite web| author=Gro Harlem Brundtland| title=WHO European Ministerial Conference on Young People and Alcohol| url=http://www.who.int/director-general/speeches/2001/english/20010219_youngpeoplealcohol.en.html| publisher=World Health Organization| date=[[Pebrero 19]], [[2001]]| accessdate=Marso 22| accessyear=2008}}</ref> Walang kongkretong datos sa kasalukuyan sa bilang ng mga mapang-asang manginginom sa [[Pilipinas]]. Sinasabing dahil raw ito sa hindi pagturing ng mga [[Pilipino]] sa alkoholismo bilang isang sakit. Sa kabila nito, hindi mapagkakaila ang epekto ng alkoholismo sa [[pamilya]] at komunidad.<ref name=Valbuena>{{cite web| author=Joyce Valbuena| title=Alcohol and Media: The Situation in the Philippines| publisher=Insitute of Alcohol Studies| url=http://www.ias.org.uk/resources/publications/theglobe/globe200103-04/gl200103-04_p12.html| year=2001}}</ref>
 
==Pagkilala at dayagnosis==
Iba't ibang kagamitan ang kasalukuyang ginagamit para sa mga nais magsagawa ng iskrining para sa alkoholismo. Mahirap makilala ang alkoholismo dahil wala pa ring tiyak na pagkakaiba sa pangangatawan ng isang taong madalas umiinom ng alak kumpara sa isang taong may alkoholismo. Dahil dito, may kinalaman ang pagkilala sa nagawang pagkasira sa buhay ng manginginom nang dahil sa sobrang pag-inom ng alak kumpara sa inaakalang benepisyo na nakukuha niya dahil dito.
 
Ilan sa mga ginagamit bilang pagsusulit at iskrining upang malaman ang antas ng alkoholismo ng isang tao ay ang "CAGE Questionnaire" at ang "Michigan Alcohol Screening Test".<ref name=Cage>[http://www.lifewisewa.com/pdfs/012695.pdf CAGE Questionnaire]</ref><ref name=Michigan>[http://www.ncadd-sfv.org/symptoms/mast_test.html Michigan Alcohol Screening Test (MAST)]</ref>
 
==Epekto sa lipunan==
Iniuugnay ang madalas na pagkakalulong sa alak sa ilang mga problema sa sarili at sa lipunan, kabilang na rito ang [[pang-aabusong sekswal]] at sa [[pang-aabuso sa droga|droga]], [[pagpapakamatay]], mga [[kaguluhan]], at ilang [[krimen]].<ref name=Valbuena />
 
==Mga sanggunian==
{{reflist}}
 
[[Category:Mga problemang panlipunan]]
 
{{link FA|vi}}
{{link FA|hr}}
 
[[ar:إدمان كحولي]]
[[az:Alkoqolizm]]
[[bg:Алкохолизъм]]
[[bs:Alkoholizam]]
[[ca:Alcoholisme]]
[[cs:Alkoholismus]]
[[cy:Alcoholiaeth]]
[[da:Alkoholisme]]
[[de:Alkoholkrankheit]]
[[el:Αλκοολισμός]]
[[en:Alcoholism]]
[[eo:Alkoholismo]]
[[es:Alcoholismo]]
[[et:Alkoholism]]
[[eu:Alkoholismo]]
[[fa:الکلیسم]]
[[fi:Alkoholismi]]
[[fr:Alcoolisme]]
[[gl:Alcoholismo]]
[[he:אלכוהוליזם]]
[[hr:Alkoholizam]]
[[id:Alkoholisme]]
[[is:Alkóhólismi]]
[[it:Alcolismo]]
[[ja:アルコール依存症]]
[[jv:Alkoholisme]]
[[la:Alcoholismus]]
[[lt:Alkoholizmas]]
[[mk:Алкохолизам]]
[[ms:Alkoholisme]]
[[mt:Alkoħoliżmu]]
[[nl:Alcoholisme]]
[[nn:Alkoholmisbruk]]
[[no:Alkoholisme]]
[[oc:Alcolisme]]
[[pl:Alkoholizm]]
[[pt:Alcoolismo]]
[[ru:Алкоголизм]]
[[sh:Alkoholizam]]
[[simple:Alcoholism]]
[[sk:Alkoholizmus]]
[[sl:Alkoholizem]]
[[sr:Алкохолизам]]
[[sv:Alkoholism]]
[[tg:Алкоголизм]]
[[tr:Alkolizm]]
[[uk:Алкоголізм]]
[[vi:Chứng nghiện rượu]]
[[yi:אלקאהאליזם]]
[[zh:酗酒]]
[[zh-min-nan:Chiú-cheng tiòng-to̍k]]
5

edit