Marc Bloch: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
AnakngAraw (usapan | ambag)
bahagyang linis at pagaayos lamang; salin ng petsa; wiki-kawing din; bawas ng maluwang na patlang
Linya 9:
Hindi pa niya natatapos ang pagdodoktor ay nagturo siya sa secondaryang paaralan ng Montpellier pagkatapos ay sa Amiens. Pumutok ang Unang Digmaang Pandaigdig at siya'y tinawag para magsilbi sa impanterya bilang sarhento. Natapos niya ang serbisyo na may ranggong kapitan sa intelidyens. Natanggap niya ang parangal na Légion d'honneur.
 
Pagkatapos ng digmaan ay hinirang siyang assistant na lektyurer sa Unibersidad ng Strasbourg. Doon niya nakasama sina [[Lucien Febvre]] at André Piganiol. Noong 1919 pinakasalan niya si Simone Vidal, at nagkaroon sila ng anim na anak. Para maging regular na guro ay binalikan niya ang pagdodoktor. Noong taon ding iyon ay ipinagtanggol niya ang tesis niya sa pagkadoktor hinggil sa pagpapalaya sa mga mamayan sa kanayunan ng Ile-de-France noong Edad Medya na pinamagatang Rois et Serfs (Mga Hari at Serf 1920).
 
Noong 1924 ay inilathala niya ang isa sa pinakatanyag niyang panulat na ''Les rois thaumaturges: étude sur le caractère surnaturel attribué à la puissance royale particulièrement en France et en Angleterre''. Dito niya tinipon, inilarawan at pinag-aralan ang mga dokumentong may kinalaman sa sinaunang tradisyon na ang mga hari noong Edad Medya ay may kakayanang gamutin ang sakit na scrofula sa pamamagitan lamang ng paghipo sa mga may sakit nito. Ang tradisyong ito ay nag-uugat sa masalamangkang papel ng mga hari sa mga sinaunang lipunan. Ang panulat na ito ni Bloch ay nagkaroon ng malaking impluwensiya di lamang sa panlipunang kasaysayan kundi maging sa antropolohiyang kultural.