Lucien Febvre: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
AnakngAraw (usapan | ambag)
→‎Talambuhay: inalis muna isang pulang kawing
AnakngAraw (usapan | ambag)
→‎Talambuhay: isa pang pulang kawing inalis
Linya 7:
Ipinakita ng una niyang tesis hinggil kay Ikalawang Felipe at Franche-Comté, na inilathala noong 1911 ang kapangyarihan ng kanyang dulog. Sa akdang ito, tinangka ni Febvre na alamin ang konteksto na talagang nagpapakita ng mga katunayan at inilalagay ang mga ito sa liwanag. Pinagtagni-tagni ni Febvre ang buhay ng mga taga-baryo at bayan sa isang maliit na tradisyunal na probinsiya sa Pransiya sa pamamagitan ng paglalagay ng mga katunayan sa konteksto ng heograpiya at kapaligiran noong panahong iyon. Sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga ilog, minahan ng asin, taniman ng ubas at iba pang kapaligiran nalikha ni Febvre ang isang masusi at makatotohanang larawan ng atmospera at pananaw sa buhay noong epokang yaon. Sa pamamagitan ng dulog na ito, naipakita ni Febvre ang negatibong impluwensiya ng Pamahalaang Pranses noong panahong iyon sa buhay ng probinsiyang ito. Ang dulog na ito sa kasaysayan ay tinatawag na histoire totale (bigkas: is.twa total), o histoire tout court. Nang lumaon, ang akda ni Febvre ang ituturing na pamamaraang Annales sa pag-iisip at magiging isang bagong paraan ng pag-iisip sa kasaysayan.
 
May kinalaman sa pag-aaral ng [[Protestantismo]] ang isa pang maimpluwensiyang gawa ni Febvre. Inilathala sa ''Revue Historique'' noong 1929, ang ''Une question mal posee'', ay tinangkang pag-aralan ang popular na relihiyon sa pamamagitan ng pagtatangkang pagmasdan at pakantidad na pagsukat sa gawi ng tao. Sa pamamagitan ng napakalawak na pananaliksik, nakakolekta si Febvre ng mga impormasyon mula sa iba't-ibang monasteryo at bisita upang mapag-aralan ang impluwensiya ng bagong kaisipan sa pilosopiya ng relihiyon at dulog ng pari sa pag-unawa at pagsasalin ng mga pananaw nila sa karaniwang tao. Sa pamamagitan ng akdang ito, naging napakaabala ni Febvre sa larangan ng etnograpiya, na isang pag-aaral na pakantidad na sinusukat ang gawi ng tao. Itinuturing ng mga kritiko na labis na naimpluwensiyahan at nagpapahiwatig ng sariling pananw ni Febvre hinggil sa daigdig ang gawang ito.
 
Nang lumaon, lalong naging mapag-alinlangan si Febvre hinggil sa [[teolohiya]]. Tinanggihan niya ang pananaw na ang mga tao ay nalilimitahan ng mga puwersang hindi nila kontrolado. Napagtanto niya sa sarili niya na ang relihiyon at lumang paraan ng pag-iisip ay di praktikal, at marahil ay mapanganib sa modernong panahon. "Sa pangkalahatang kalituhan sa ating panahon," isinulat ni Febvre, "ang mga lumang ideya ay ayaw mamatay-matay at nananatili pa ring tinatangkilik ng masa." Nakumbinsi siya na ang pagbabago sa pananaw at aktitud hingil sa relihiyon ay kasing hirap ng pagtatangkang baguhin ang kalalabasan ng anumang pag-aaklas na politikal at sosyal. Naniniwala siya na kailang turuan ang mga tao upang maiwasan nila ang panganib ng lumang paraan ng pag-iisip. Noong 1929, si Lucien Febvre, kasama ng panyero niyang si Marc Bloch ay itinatag ang pang-iskolar na diyornal na ''Annales d'Histoire Economique et Sociale'' (karaniwang tinatawag na ''Ang Annales''), kung saan kinuha ang pangalan ng natatangi nilang estilo ng kasaysayan. Sinundan ng diyornal ang dulog ni Febvre sa paglalarawan ng kasaysayan at pinatnugot sa paraang ito ng pag-iisip upang maturuan ang daigdig hinggil sa panganib ng pag-iisip ng lumang daigdig upang maiwasan ang mga posibleng malaking kapahamakan sa ekonomiya at politika sa kinabukasan. Layon nitong impluwensiyhan ang mga sirkulong pang-akademiya at himukin silang "pag-aralan ang kasalukuyan upang maabot ang isang mas malalim na pag-unawa sa nakaraan". Walang ganitong diyornal na pang-iskolar noong panahong iyon.