Lohika: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
No edit summary
Ludimer (usapan | ambag)
No edit summary
Linya 1:
Sa karaniwang wikapag-uusap, ang '''lohika''' (lumang [[wikang Griyego|Griyego]] ''logice'' = katuturan/isipin) ay ang [[pangangatwiran]] na ginagamit upang maabot ng katapusang pangungusap (konklusyon) mula sa isang kumpol na mga palagay. Sa mas pormal na kahulugan, isang pag-aaral ng hakahaka ang lohika—ang proseso kung saan nalilikha ang mga bagong pahayag mula sa mga napatunayang ng pahayag. Sa kanyang likas na anyo, ang kayarian ng hakahaka ang nagkakaroon ng partikular na pansin—ang ''pormal'' na ugnayan sa pagitan ng bagong gawang mga pahayag at mga nakaraang napatunayang pahayag, kung saan nangangahulugan ang "pormal" na malaya ang ugnayan mula sa pahayag nito mismo. Mahalaga ang pagsiyasat sa ''pagkakaroon ng batayan'' sa hakahaka, kasama ang mga iba't ibang posibleng kahulugan ng pagkakaroon ng batayan at praktikal na kondisyon sa kanyang kapasyahan. Sa ganitong paraan, nakikita na may mahalagang ginagampanan ang lohika sa [[epistemolohiya]] na nagbibigay ng mekanismo para sa pagpapalawig (ekstensyon) ng [[kaalaman]].
 
Bilang isang pangalawang resulta, nagbibigay ang lohika ng mga paghahatol para sa pangangatwiran, sa madaling salita, kung papaano dapat mangatwiran ang mga tao—gayon din ang iba pang mga matatalinong nilalang, makina, at sistema. Gayon manGayunman, di mahalaga sa lohika mismo ang ganoong mga paghahatol, sa halip, ito ang mga paglalapat. Kadalasang pinag-aaralan sa ibang larangan kung papaano mangatwiran ang mga tao, kasama ang [[kognitibong sikolohiya]].
 
Sa tradisyon, pinag-aaralan ang lohika bilang isang sangay ng [[pilosopiya]]. Simula noong kalagitnaan ng [[dekada ng 1800]] karaniwang pinag-aaralan ang lohika sa [[matematika]], at, mas kamakailan lamang, sa [[agham pangkompyuter]]. Bilang isang [[agham]], sinisiyasat ng lohika at inuuri ang mga kayarian ng mga pangungusap at argumento at gumagawa ng balangkas (schemata) na kung saan [[kodipikasyon|ginagawang kodigo]] ito. Kung gayon, maaaring malawak ang sakop ng lohika, kasama ang espesyal na pag-aaral ng pangangatwiran tungkol sa "maaaring totoo", [[probabilidad]] at [[causalitykasanhian]] (causality). Pinag-aaralan din sa lohika ang mga kayarian ng mga [[di-totoong pahayag|di-makatotohanang argumento]] at mga [[paradoha]]. Hinati ng mga [[sinaunang Griyego]] ang [[dialektika]] at lohika at [[retorika]]. Inaabala ng retorika ang mga argumentong ''nanghihimok'', na kasalukuyang nakikita bilang salungat sa lohika, sa isang banda; sa ''dialektika'' sa karamihan ng kanyang kinuhang mga kahulugan.
 
==Tingnan din==