Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Diyabetolohiya"

dagdag
(bago)
 
(dagdag)
Ang '''diyabetolohiya''' ay ang [[klinikong agham]] ng ''[[diabetes mellitus]]'', ang [[diyagnosis]] nito, at paggagamot. Maaaring ituring itong isang sangay ng [[endokrinolohiya]]. Ginagamit ang salita o katawagan sa maraming mga pamamaraan. Sa [[Hilagang Amerika]], sa loob ng huling mga 40 taon, kalimitang ginagamit ito para sa mga gawain ng isang '''diyabetolohista''' ('''diyabetologo''') o [[internista]]ng nagkaroon ng pag-unlad sa kaalaman at pagkakaroon ng kaalaan hinggil sa pangangalaga ng mga pasyenteng may [[diyabetes]] dahil sa pagsasakatuparan ng kaniyang mga gawain at interes sa paksa, bagaman wala siyang pormal na pagsasanay o sertipikong panglarangan sa endokrinolohiya. Hindi pa isang ganap na kinikilalang natatanging sangay ng panggagamot ang diyabetolohiya at walang pang pormal na programang pangpagsasanay na magiging sanhi ng pagkakamit ng isang katibayan o sertipiko. Sa ibang mga konteksto o diwa, tumutukoy ang ''diyabetolohista'' sa anumang [[manggagamot]] o [[duktor sa medisina]]ng kinabibilangan ng mga [[endokrinolohista]], na pangunahing tumutuon ang mga gawain at pananaliksik sa diyabetes at pangangalaga ng mga taong may diyabetes. Bukod sa mga pagbibigay ng mga gamot (ng [[insulina]]), kasama ang dami at tamang panahon ng pagbibigay ng [[insulina]], binibigyang pansin din ng isang diyabetolohista ang mga maaaring pang maging dagdag na mga suliranin ng isang tao kapag may diyabetes, katulad ng [[retinopathy|retinopatiya]], [[nephropathy|nepropatiya]] at [[peripheral neuropathy|neyuropatiyang periperal]].
 
{{usbong|Panggagamot}}
166,389

edits