Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Aklat ni Baruc"

mga dagdag; seksyon; talata
(dagdag sa bungad)
(mga dagdag; seksyon; talata)
{{Mga Aklat ng Lumang Tipan}}
Ang '''Aklat ni Baruc'''<ref name=Biblia3>{{cite-Biblia3|Aklat ni Baruc}}</ref> o '''Aklat ni Baruch''' ay isa sa [[mga aklat na isinulat ng mga propeta]] na nasa [[Lumang Tipan]] ng [[Bibliya]]. Binubuo ito ng apat na maiiksing mga pahayag pinaniniwalaang inakdaan ni [[Baruc]], ang kalihim ng propetang si [[Jeremias]], at pinaniniwalaan ding nasusulat sa [[wikang Ebreo|Ebreo]] bago nalipon upang maging isang aklat.<ref name=Biblia3/>
 
==Si Baruc==
Si Baruc ay anak ni Nerias na naging alagad at isang kalihim ng propetang si Jeremias. Noong 583 BK, ang panahon kung kailan nalukob ni [[Nabucodonosor]] ang [[Jerusalem]], pumunta si Baruc sa [[Babilonia]], kung saan sinulat niya ang hulang may layuning himukin ang mga nadalang bihag na mga Hudyo patungo sa gawain ng pagsisisi ng mga kasalanan, at para na rin masugpo ang pagsamba ng mga ito sa mga hindi totoong mga diyos.<ref name=Biblia>{{cite-Biblia|Baruc}}</ref>
 
==Ang aklat==
Nasulat sa pagitan ng 582 BK at 540 BK ang Aklat ni Baruc. Binubuo ito ng tatlong bahagi: ang kasaysayan ng kapanahunan ni Baruc; ang pag-amin sa kanilang mga kasalanan ng mga [[Israelita]]; at ang pangaral kaugnay ng pagbabalik-kalooban sa tunay na [[Diyos]] ng mga mamamayan. May karagdagang pangaral si Baruc na nasa bandang huli ng aklat, ang tungkol sa kaniyang hindi pagsang-ayon sa pagkakaroon ng mga diyus-diyusan.<ref name=Baruc/>
 
==Ang orihinal==
Nawala ang orihinal na aklat na nasa wikang Ebreo, kaya't nakabatay ngayon ang mga pangkasalukuyang salin o anyo ng Aklat ni Baruc mula sa tinatawag na Salin ng Pitumpu (LXX) o ang Saling [[wikang Griyego|Griyego]].<ref name=Baruc/>
 
==Sanggunian==
166,389

edits