Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto"

dagdag
(dagdag)
(dagdag)
 
==Panahon ng pagkakasulat==
Isinulat at ipinadala ni San Pablo ang ''Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto'' noong mga anim na buwan (may nagsasabing pagkaraan ng isang taon<ref name=Biblia2>{{cite-Biblia2|Letter of Paul, 2 Corinthians)}}</ref> pagkalipas na maisulat ang unang liham. Ipinadala niya ang pangalawang liham sa pamamagitan ni [[Tito]] magbuhat sa [[Macedonia]].<ref name=Biblia/>
 
==Layunin at paksa ng liham==
Nasulat ang ikalawang sulat ni Pablo para sugpuin ang mga paninirang ginagawa ng mga [[Hudyo]], at para na rin maipagtanggol ang kaniyang misyong pampananampalataya.<ref name=Biblia/> Nakatuon ito sa sariling kaugnayan ni San Pablo sa [[simbahan (Kristiyanismo)|simbahan]] o parokyang nasa [[Corinto]], sa [[Gresya]]. Lalong lumala ang kalagayan ng mga Kristiyanong Corintio kaya't nilarawang ikinaluha at ikinagalit ito ni San Pablo. Nagpadala ng isang liham (ang isa pang sulat na hindi nakarating sa kasalukuyang panahon; hindi ang ''Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto'') na nagsilbing isang sermon at babala: pinagsasabihan niya ang mga taga-Corinto.<ref name=Biblia2/>
 
==Bilang lunas sa suliranin sa Corinto==
Pagkaraang maipadala at maibatid sa mga taga-Corinto ang nilalaman ng sulat ni San Pablo (hindi ang ''Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto''), nagdala si Tito ng balitang nagsasaad na nagbagong-loob ang mga mamamayan ng Corinto. Lubhang ikinagalak ito ni San Pablo, gumaan ang kaniyang kalooban, at nagpapasalamat sa mga taga-Corinto. Kaya't naisulat niya ang ''Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto'' na kabahagi ngayon ng Bibliya, na nagpapaliwanag ng mga naging kilos ni Pablo at para rin magbalita ng hinggil sa kaniyang mga gawain habang malayo sa Corinto.<ref name=Biblia2/>
 
==Nilalaman==
166,389

edits