Francesca Javiera Cabrini: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
AnakngAraw (usapan | ambag)
AnakngAraw (usapan | ambag)
→‎Talambuhay: kawing at baybay
Linya 24:
Sa edad na 13, ipinadala si Cabrini sa [[Arluno]] upang mag-aral sa ilalim ng Mga Anak na Kababaihan ng Banal na Pusal sa Paaralang Normal, at noong 1868, sa gulang na 18 nabigyan siya ng sertipiko sa pagkaguro. Makaraan ang apat na tao, nagkaroon siya ng [[bulutong]]. Nang subukin niyang pumasok sa Mga Anak na Kababaihan ng Banal na Puso, tinanggihan si Cabrini ng madreng nagngangalang Inang Giovanna Francesca Grassi bagaman kinakitaan niya si Cabrini ng kakayahan, dahil sa delikadong kalusugan. Sa halip, sinabi ni Inang Giovanna kay Cabrini na "Tinatawag ka na magtatag ng ibang Panimulaan na magdadala ng bagong luwalhati sa Puso ni Hesus." Tinanggihan din si Cabrini ng mga Kanosyano (Ingles: ''Canossian''). Sa halip, tinulungan ni Cabrini ang kaniyang mga magulang hanggang sa yumao ang mga ito, at tumulong din siya sa mag-anak hinggil sa mga gawain sa bukid.
 
Nagturo si Cabrini sa isang pribadong paaralang itinatag ng isang kapatid sa pananampalataya sa Sant’Angelo. Noong 1871, naging isang gurong pampubliko si Cabrini sa isang kalapit na nayon sa kahilingan ng kaniyang pastor. Tinanggap niya ang panunumpa bilang madre noong 1877 at idinagdag ang Javiera sa kaniyang pangalan bilang pagpaparangal sa paring Heswitang si Francisco Javier. Siya ang naging [[modremadre superyor]] sa ampunan ng Kabahayan ng Probidensya sa [[Codogno]] kung saan siya nagturo. Noong 1880, nagsara ang bahay-ampunan. Si Cabrini at anim pang mga madreng nakasabayan niya sa pagtanggap ng panunumpa bilang madre ang nagtatag ng [[Panimulaan ng mga Misyonerong Madre ng Banal na Puso ni Hesus]] (''[[Institute of the Missionary Sisters of the Sacred Heart of Jesus]],'' MSC) noong Nobyembre 14, 1880. Si Inang Cabrini ang naglahad ng mga patakaran at konstitusyon ng samahan, at nagpatuloy siyang bilang superyor-heneral nito hanggang sa kaniyang pagyao. Nagtatag ang orden ng pitong mga tahanan at isang libreng paaralan at alagaang pambata sa unang limang taon nito. Napansin ni Obispo Giovanni Scalabrini ng [[Piacenza]] at ni [[Papa Leon XIII]] ang mga mabubuting gawain ni Inang Cabrini, ng orden, at ng paaaralan.
 
Bagamang pangarap talaga niya sa buhay ang maging isang misyonera sa [[Tsina]], ipinadala siya ng Santo Papa sa [[Lungsod ng Bagong York]] noong [[Marso 31]], [[1889]]. Doon, nakamit ang pahintulot ng [[Arsobispong Michael Corrigan]] ang magtatag ng isang ampunan, na matatagpuan ngayon sa Liwasang Kanluran (West Park), Ulster County, [[Bagong York]] at kilala na bilang [[Tahanang Santa Cabrini]] (''Saint Cabrini Home''), ang una sa 67 mga institusyon na itinatag niya sa Bagong York, [[Tsikago, Illinois|Tsikago]], [[Seatel, Washington|Seatel]], [[Bagong Orleans, Luwisiyana|Bagong Orleans]], [[Denber, Kolorado|Denber]], [[Los Angeles, Kaliporniya|Los Angeles]], [[Philadelphia, Pensilbanya|Philadelphia]],<ref>[http://www.mothercabrini.org/legacy/life2.asp Salaysay ng Buhay ni Inang Cabrini] sa websayt ng mga Misyonerang Madre ng Kabanalbanalang Puso ni Hesus</ref> at sa bansa sa buong [[Timog Amerika]] at [[Europa]]. Matagal na panahon pagkaraan ng kaniyang kamatayn, makakamit ng mga Misyonerang Madre ang layunin ni Inang Cabrining maging isang misyonera sa Tsina. Matapos ang maraming mga kaguluhang panlipunan at pangpananampalataya at sa maikling panahon, nilisan ng mga madre ang Tsina, na nasundan ng pagkakalagak sa [[Siberia]].