166,389
edits
AnakngAraw (usapan | ambag) (→Paghahambing na pangkapangalanan: wikikawing) |
AnakngAraw (usapan | ambag) (→Paghahambing na pangkapangalanan: ng --> sa) |
||
==Paghahambing na pangkapangalanan==
Batay sa [[Bagong Tipan]] ng [[Bibliya]], tumutukoy ang salitang '''disipulo''' sa isang nag-aaral o mag-aaral na tumatanggap ng mga pagtuturo o pangangaral ng isang tao. Samakatuwid, ng isang '''disipulo ni Kristo''' ay isang tagasunod ni Hesus na naglalayong matutunan ang mga gawa, gawain, at gawi ni Hesukristo. Sumasailalim ang alagad ni Kristo sa ganitong pag-aaral upang matutunan, gumanap, o kumilos ayon sa mga salita at gawain ni Hesus. Sa pinakamahigpit at pinakamalinis na kahulugan o diwa, kinakailangang kapiling ng alagad ang kaniyang panginoon o pinuno para matawag na disipulo. Sa labas ng mga [[ebanghelyo]] ng Bibliya, kakaunti at mabibilang lamang ang mga taludturang bumabanggit sa salitang ''disipulo''. Nang umakyat na sa langit si Kristo, pagkaraan ng kaniyang muling pagkabuhay, tinawag na mga '''apostol''' ang mga disipulo ni Hesus. Samantalang tinawag na mga '''mananampalataya''' o mga '''nananalig''' lamang ang mga bagong nagbagong-kalooban. Naging gamitin ang mga katawagang kaugnay ng ''sumasampalataya'' o katulad sa ''[[Aklat ng Mga Gawa ng mga Apostol]]'' at sa mga ''[[Aklat ng Mga Sulat ng mga Apostol]]''
==Tingnan din==
|
edits