Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Juan ang Alagad"

dagdag
(dagdag)
(dagdag)
Si '''San Juan ang Alagad''' o '''San Juan Apostol'''<ref name=Biblia>{{cite-Biblia|'''(a)''' San Juan Apostol, mula sa pahina tungkol kay propeta [[Oseas]] at [[Aklat ni Oseas]], pahina 1350; mula rin sa mga paliwanag hinggil sa '''(b)''' Ebanghelyo ayon kay Juan, pahina 1558; '''(c)''' Mga Sulat ni Juan; at '''(d)''' Pahayag o Apokalipsis}}</ref> ay isang santo ng [[Romano Katoliko]]. Karaniwang inihahambing siya kay [[Oseas]], ang propeta sa [[Lumang Tipan]] ng [[Bibliya]]. Kung si Oseas ang siyang "propeta ng pag-ibig," si San Juan ang Alagad ang tinatawag namang "santo ng pag-ibig."<ref name=Biblia/> Isa siyang mangingisda, na kapatid ni [[Santiagong Matanda]]; mga anak sila ni [[Zebedeo]]. Siya ang may-akda ng ikaapat na [[ebanghelyo]], ang ''[[Ebanghelyo ni Juan]]'', na nasa [[Bagong Tipan]] ng [[Bibliya]], kaya nga kilala rin siya bilang '''Juan ang Ebanghelista'''. Bukod sa pagiging '''Juan ang Banal''' at '''Juan ang Teologo''', siya rin ang "ang alagad na minamahal ni [[Hesus]]."<ref name=Biblia/><ref name=NBK>{{cite-NBK|John, The Apostles, pahina 333}}</ref>
 
Itinuring siyang isang [[teologo]] sapagkat may natatanging katayugan ang kaniyang mga naisulat, na may iisang layunin: ang pagpapatunay ng pagiging Diyos ni [[Hesukristo]]. Una siyang naging alagad ni [[Juan Bautista]] bago napabilang sa [[labindalawang alagad]] ni Hesus. Siya ang apostol na "humilig sa dibdib ng Panginoon Hesus." Naging kinatawan siya ng mga espirituwal na mga anak ng [[Birheng Maria]]. Bukod sa ''Ebanghelyo ni Juan'', si San Juan rin ang kinikilalang sumulat ng ''[[Mga Sulat ni Juan]]'' at ng ''[[Aklat ng Pahayag]]'' (o ''[[Apokalipsis]]'') na kapwa matatagpuan din sa Bagong Tipan ng Bibliya. Isinulat niya ang kaniyang ebanghelyo noong mga 95 hanggang 100 sa panahon ni [[Nerva]]. Ito ay pagkaraang makabalik siya sa [[Efeso]] mula sa pagkakatapon sa kaniya ni [[Domiciano]] sa pulo ng [[Patmos]]. Dahil sa pagkakatapong ito sa Patmos, tinatawag din siyang '''Juan ng Patmos'''.<ref name=Biblia/>
 
==Sanggunian==
166,389

edits