Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Juan ang Alagad"

mas tuwirang kawing
(→‎Sanggunian: di na gaanong usbong)
(mas tuwirang kawing)
Si '''San Juan ang Alagad''' o '''San Juan Apostol'''<ref name=Biblia>{{cite-Biblia|'''(a)''' San Juan Apostol, mula sa pahina tungkol kay propeta [[Oseas]] at [[Aklat ni Oseas]], pahina 1350; mula rin sa mga paliwanag hinggil sa '''(b)''' Ebanghelyo ayon kay Juan, pahina 1558; '''(c)''' Mga Sulat ni Juan, pahina 1782; at '''(d)''' Pahayag o Apokalipsis, pahina 1793}}</ref> ay isang santo ng [[Romano Katoliko]]. Karaniwang inihahambing siya kay [[Oseas]], ang propeta sa [[Lumang Tipan]] ng [[Bibliya]]. Kung si Oseas ang siyang "propeta ng pag-ibig," si San Juan ang Alagad ang tinatawag namang "santo ng pag-ibig."<ref name=Biblia/> Isa siyang mangingisda, na kapatid ni [[Santiagong Matanda]]; mga anak sila ni [[Zebedeo]]. Siya ang may-akda ng ikaapat na [[ebanghelyo]], ang ''[[Ebanghelyo ni Juan]]'', na nasa [[Bagong Tipan]] ng [[Bibliya]], kaya nga kilala rin siya bilang '''Juan ang Ebanghelista'''. Bukod sa pagiging '''Juan ang Banal''' at '''Juan ang Teologo''', siya rin ang "ang alagad na minamahal ni [[Hesus]]."<ref name=Biblia/><ref name=NBK>{{cite-NBK|John, The Apostles, pahina 333}}</ref>
 
Itinuring siyang isang [[teologo]] sapagkat may natatanging katayugan ang kaniyang mga naisulat, na may iisang layunin: ang pagpapatunay ng pagiging Diyos ni [[Hesukristo]]. Una siyang naging alagad ni [[San Juan Bautista|Juan Bautista]] bago napabilang sa [[labindalawang alagad]] ni Hesus. Siya ang apostol na "humilig sa dibdib ng Panginoon Hesus." Naging kinatawan siya ng mga espirituwal na mga anak ng [[Birheng Maria]]. Bukod sa ''Ebanghelyo ni Juan'', si San Juan rin ang kinikilalang sumulat ng ''[[Mga Sulat ni Juan]]'' at ng ''[[Aklat ng Pahayag]]'' (o ''[[Apokalipsis]]'') na kapwa matatagpuan din sa Bagong Tipan ng Bibliya. Isinulat niya ang kaniyang ebanghelyo noong mga 95 hanggang 100 sa panahon ni [[Nerva]]. Ito ay pagkaraang makabalik siya sa [[Efeso]] mula sa pagkakatapon sa kaniya ni [[Domiciano]] sa pulo ng [[Patmos]]. Dahil sa pagkakatapong ito sa Patmos, tinatawag din siyang '''Juan ng Patmos'''. Sinulat niya ang ''Aklat ng Pahayag'' habang nasa pulo ng Patmos noong mga 81 hanggang 96, kaya mas nauna niyang inakdaan ang ''Aklat ng Pahayag'' kaysa kaniyang ebanghelyo.<ref name=Biblia/>
 
Isang katangian ng kaniyang ebanghelyo ang pagiging kronolohiko o ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at panahon. Sinikap din ni San Juan na mailagay sa ''Ebanghelyo ni Juan'' ang mga bagay na hindi mababasa sa ibang mga ebanghelyo ng Bibliya.<ref name=Biblia/>
166,389

edits