Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Usapang Wikipedia:Kapihan"

Hindi man tayo ang Komisyon sa Wikang Filipino, ngunit importante at mahalaga para sa ikabubuti ng pamayanan, ng kalidad ng Wikipedia at, higit sa lahat, ng mga mambabasa nito, na dapat may malinaw at depinitibong pamantayan sa wikang gamit natin dito. Tandaan natin na ang Wikipedia ay hindi lamang para sa mga taga-ambag nito, kundi para sa 90+ milyong Pilipino sa loob at labas ng bansa na makakakuha ng benepisyo sa kaalamang pantao kapag sila ay bumasa ng nilalaman nito. --[[User:Sky Harbor|<font color="#0066ff" ><b>Sky Harbor</b></font>]] <sup>([[User talk:Sky Harbor|<font color="#0066ff" ><b>usapan</b></font>]])</sup> 06:43, 1 Disyembre 2008 (UTC)
:Sa akin, higit na mabuti kung pipiliin ang mga katutubong salita kaysa sa mga banyagaing salitang ginawa ng KWF, kagaya ng pagpili nila ngayon ng ''ispeling'' kaysa sa "pagbaybay" sa mga aklat ng balarila. Tandaan din nating ang atin ding layunin ay ang pagsusulat ng mga artikulo sa Tagalog na dapat namang manguna. Kung hangad talaga nating makapagsulat para sa buong mundo, halina't iwanan na natin ang Wikipediang ito, at anyayahan ang mga nagsusulat sa Esperanto at Lating walang nakauunawa at magsulat tayong lahat sa Ingles at Mandarin. <b>[[Natatangi:Contributions/Felipe Aira|<font color= "#FCD116">—</font>]] [[Tagagamit:Felipe Aira|<font color= "#0038A8">Felipe</font>]] [[Usapang tagagamit:Felipe Aira|<font color="#CE1126">Aira</font>]]</b> 07:02, 1 Disyembre 2008 (UTC)
::Kumakatawan na ang [[WP:Salin]] para sa aking pananaw. Buod nito: Tagalugin... Magtagalog. - [[Tagagamit:AnakngAraw|AnakngAraw]] 07:20, 1 Disyembre 2008 (UTC)
166,389

edits