Polimero: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
No edit summary
No edit summary
Linya 32:
Ang grupong pumalit na sindiyotaktiko ay nagsasalisi sa magkabilang direksyon. Dahil sa kaayusang ito, naiyaayos ng ang mga sindiyotaktikong kadena ang kanila sarili nang malapit sa isa’t isa ngunit hindi kasinglapit ng mga isotaktikong polímero. Mas mainam ang sindiyotaktikong polímero sa impact strength kaysa mga isotaktikong polímero dahil sa mataas na kalambutan nito na bunga ng kanilang mahinang intermolekulang pwersa.
 
==Ang Pagbuopagbuo ng mga polímero==
 
===Kopolimerisasyon===
 
Ang [[kopolimerisasyon]] ay ang polimerisasyon ng dalawa o higit pang makakaibang monómero . Nabanggit na ang monómero ng 20 asidong amino na bumubuo sa kadena ng proteinaprotina. Nagbubunga ng iba’t-ibang katangian ang kopolimerisasyon ng iba’t-ibang monómero tulad rin ng iba’t-ibang asido amino na nagbubunga ng iba’t ibang hugis ng proteina. Halimbawa, ang kopolimerisasyon ng ethene na may kaunting hex-1-ene ay isang paraan upang makabuo ng tuwid at magkaroon ng mababang densidad na polyethene (LLDPE). Ang mga sanga-sanga mula sa C4 mula sa hexene ang nagpapababa sa densidad at nag-iiwas sa malaking rehiyong kristalina sa loob ng polímero nang tulad ng HDPE. Ang ibig sabihin nito mapagtitiisan ng LLDPE ang malalakas ang pwersa ng pagpilas habang napananatili nito ang pagiging malambot.
 
Sa sumusunod na larawan makikita ang isang espesipikong uri ng kopolimerisasyon na tinatawag ng hakbang-palaking polimerisasyon o kondensasyong polimerisasyon. Sa partikular na polimerisasyong ito, isang maliit na molekula ang lumilitaw matapos ang polimerisasyon. Sa sumusunod eskemang pagsasanib, tubig ang maliit na bunga at naylon (nylon) ang nabuong polímero. Ang uri ng nylon (pangalan at katangian) ay nasa ilalim ng grupong R at R' sa mga monómero na ginamit.
Linya 47:
Ang pwersang pang-akit sa pagitan ng kadenang polímero ay nagdudulot ng malaking bahagi upang alamin ang mga katangian ng isang polímero. Dahil sa ang mga kadena ng polímero ay napakahaba, ang pwersa sa pagitan ng bawat kadena ay lalong mas matindi kaysa sa pagitan ng mga karaniwang molekula. Gayundin, mas mahaba ang kadena, mas amorpo ito (walang ayos). Isipin ang mga polímero na pulu-pulupot na kadena ang pansit – mas mahirap hatakin ang isang hibla ng pansit mas gusot ang mga kadena. Ang malakas na pwersang ito ay nagbubunga ng mataas na lakas sa batak (tensile strength) at temperatura ng pagkatunaw.
 
Ang pwersang intermolekular sa polímero ay inaalam ng mga dipolo ng mga monómero ng yunit. Ang polímero na naglalaman ng grupong amido ay makabubuo ng kawing hidroheno sa mga karatig kadena. Malakas ang pagkaakit ng positibong atomo ng hidroheno ng grupong N-H ng isang kadena sa atomo ng oxiheno[[oksiheno ]]sa grupong C=O ng iba. Ang matibay ng kawing hidroheno ang nagdudulot, halimbawa, sa mataas ng tensile strength at temperatura ng katunawan ng kevlar. Ang mga poliester ay may kawing na dipolo-dipolo sa pagitan ng atomo ng oxiheno sa grupong C=O at hidroheno sa grupong H-C. Ang dipolong kawing ay hindi kasing tibay ng kawing hidroheno kaya ang temperatura ng katunawan ng ethene at tibay nito ay mababa kaysa kevlar ngunit mas mainam hutukin ang mga polyester.
 
Subalit, ang ethene ay walang permanenteng [[dipolo]]. Ang pwersa ng pag-akit sa pagitan ng kadena ng mga polyethylene ay dulot ng pwersang van der Waals. Ang mga molekula ay masasabing nababalutan ng ulap ng mga negatibong elektron. Nag-iiwasan ang dalawang molekula kapag sila ay naglalapit sa isa’t-isa. Nagdudulot ito sa paghupa ng densidad ng elektron sa isang tabi ng kadena ng polímero na nagbubunga ng kaunting positibong dipolo sa tabi ito. Ang karga nito ay tama lang upang maakit ang ikalawang kadena ng polímero. Mahina ang mga pwersang Van der Waals kaya natutunaw sa mababang temperatura ang polyethylene.
 
==Pagsusuri ng polímero==