Wikipedia:Gabay sa abakada at pagbabaybay: Pagkakaiba sa mga binago

→‎Kaugnay ng pagtatala o enumerasyon: inilapat ang mga binanggit ni Sky Harbor sa WP:Kape
(→‎Kaugnay ng pagtatala o enumerasyon: inilapat ang mga binanggit ni Sky Harbor sa WP:Kape)
|}
</center>
 
==Ang Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa ng 2008==
Ang pinal na borador ng '''Ortograpiya ng Wikang Pambansa ng 2008''' ay sinang-ayunan ng Komisyon sa Wikang Filipino noong Mayo 20, 2008. Sa pangkalahatan, ito ay isang pagbabalik at pagpapanatili ng ''status quo'' (ang 1987 Ortograpiya). Narito ang mga nilalaman nito:
 
*Nagbalik na sa bigkas-Ingles ang mga titik ng wikang Filipino, at talagang ipinagwalang-bisa ang bigkas-Abaseda
*Mga pangkalahatang tuntunin sa pagbaybay:
**Gamitin ang Abakada para sa salitang katutubo ([[wikang Tagalog|Tagalog]])
**Kapag hihiram mula sa '''ibang katutubong wika''', gamitin ang buong [[Alpabetong Filipino]] at panatilihin ang orihinal na pagbaybay at pagbigkas nito kapag ito ay gumagamit ng ponemang wala sa Tagalog
*Mga tuntunin sa paghiram mula sa '''banyagang wika''':
**Bahagi II Sek. C: ''Sa pagbaybay ng mga hiram na salita buhat sa banyagang wika, may dalawang paraang ginagamit:'' '''panatilihin ang orihinal nitong anyo''' o '''baybayin ito ayon sa Abakada'''. ''Kung aling paraan ang gagamitin ay matutunghayan sa ikapitong bahagi ng patnubay na ito.''
**Bahagi VII:
***Huwag maghiram at hanapin muna ang katumbas sa wikang pambansa
***Huwag pang manghiram at hanapin ang katumbas sa ibang wikang katutubo
***Mga tuntunin sa paghihiram ng salitang banyaga
****Kung hihiram sa '''Espanyol''', baybayin ang salita ayon sa Abakada
****Kung hihiram sa '''Ingles''' at '''ibang salitang dayuhan''', panatilihin ang orihinal na baybay nito
****Panatilihin ang baybay ng mga '''salitang pantangi''', '''teknikal''' at '''pang-agham'''
****Baybayin alinsunod sa Abakada ang mga '''hiram na salita na naiba na ang bigkas at/o kahulugan sa orihinal'''
****Gamitin ang baybay ng '''salitang hiram na matagal na o lagi nang ginagamit'''
****'''Iwasan ang paggamit ng mga letrang wala sa Abakada''' sa pagbaybay ng mga hiram na salita. Ang istriktong ponetikong baybay sa mga hiram na salita, lalo na sa wikang Ingles, ay nakikipagkumpetensiya sa orihinal na baybay.
***Sumunod sa opisyal na pagtutumbas (hal. ''Pilipinas'', 'di ''Filipinas'')
*May mga bagong tuntunin sa paggamit ng malaking titik. Ayon sa Ortograpiya ng 2008, ginagamit, at dapat gamitin, ang malaking titik sa sumusunod na uri ng pangalan/pangngalanng pantangi:
**Pangalan ng tao o hayop
**Mga lugar
**Nasyonalidad at wika
**Araw, buwan at piyesta opisyal
**Titulo ng tao
**Pangalan ng gusali
**Mga pamantasan, paaralan at organisasyon
**Mga kagawaran at ahensya ng pamahalaan
**Mga markang pamprodukto
**Mga daglat
**Relihiyon (tulad ng ''Hindu'', ''Muslim'' at ''Budista'')
**Pamagat ng mga akda
**Mga tampok na pangyayari sa kasaysayan
 
==Kaugnay ng pagtatala o enumerasyon==
166,389

edits