Looc, Occidental Mindoro: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
AiraBot (usapan | ambag)
m sa ngalan ni Felipe Aira, nagsatagalog ng mga kawing sa mga ngalan-espasyo
m →‎Kasaysayan: rm original research
Linya 20:
Ang '''Bayan ng Looc''' ay isang ika-5 klaseng [[mga bayan ng Pilipinas|bayan]] sa [[mga lalawigan ng Pilipinas|lalawigan]] ng [[Occidental Mindoro]], [[Pilipinas]]. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 9,132 katao sa 2,014 na kabahayan.
 
==Kasaysayan==
{{Unreferenced|date=Oktubre 2008}}
===Panahon ng Pananakop ng mga Kastila===
 
Ang pangalan ng lugar ay nagmula sa look ng ginagawang daungan ng mga sasakyang dagat at kublihan ng mga barko, lalo na kapag may bagyo o masama ang panahon. Mula sa mga nahukay na banga at iba pang kagamitan ng mga Intsik sa dalawang pulo ng Ambil at Golo na sakop ng baying ito' masasabi nating ang mga taong unanang nanirahan sa pook na ito ay nakipagpalitan na ng mga kalakal sa mga negosyanteng singkit, bago pa man dumating ang mga kastila sa [[Pilipinas]].
 
Noong [[1760]], nabanggit ang Ambil sa isang lumang dokumento ng mga Kastila. Nakasaad doon na ang pamayanang ito ay ginawang pansamantalang himpilan ng mga pirating Moro. Ang pananalakay ng mga pirating ito sa iba pang pamayanan ng [[Pulo ng Lubang]] ang naging dahilan ng pagpapatayo ng isang matibay ng kuta ng mga taong unang nanirahan sa pook na kinatatayuan sa kasalukuyan ng Barangay. Maligaya, Lubang. Bagamat maraming pamayanan ang nawalan ng mamamayan sanhi ng pananalakay ng pirating Moro, ang pangyayaring ito naman ang naging dahilan ng pagkakaroon ng tao sa Barangay. Bulacan, Looc. Nakasaad sa kasaysayang isinular ng isang guro noong [[1950]] na ang mga taong nanirahan sa sitio kay Batico ng nasabing barangay ay ang mga pamilyang tumakas sa Mamburao dahilan sa sinakop ng pangkat ng mga pirata ang huling lugar na nabanggit. Inilarawan din as nasabing kasaysayan kung paanong ang ilang taong nabihag ng mga pirata ay itinali sa poste at ibinilad sa init ng araw sa lugar na tinawag nilang Presuhan. Muling nabanggit ang pulo ng Ambil noong [[1819]] sa lumang dokumento ng mga Kastila. Nakasaad doon na isang Ingles na naglalakbay sa iba't ibang dako ng bansa ang nagsabing may natuklasang deposito ng tanso sa pulong ito. Ayon sa salaysay ng mga taga-Barangay. Burol, ang kanilang mga ninuno ay mga magsasakang [[Ilokano]] na naghanap ng lupang mabubungkal sa pook na ito noong [[1850]]. Pinangunahan ang mga ito ng Pamilyang Pasucal at Pranada. Nabanggit din sa kasaysayan ng Barangay. Burol na may mga gurong nagmalasakit na magturong sumulat, bumasa at magkuwenta sa mga kabataan sa iba't ibang pamayanan ng Looc. Habang hindi pa nagbubukas ng paaralang primarya ang pamahalaan, tinuruan ng mga guro ng cartilla at matematika ang mga kabataan. Dalawa sa mga gurong nabanggit sa kasaysayan ng mga barangay ng bayang ito ay sina Ginoong Wenceslao Fajaro ng Talaotao, Cornelio Maninang ng [[Bulacan]] at Estanislao Pascual ng Burol. Bukod sa mga Ilokano, may mga pmilyang nagmula sa [[Batangas]] na lumipat sa Looc noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Isa rito ang pamilya ni Ginoong. Vicenete Abeleda na siyang nakabili sa malawak na kapatagang kinaroroonan ng Barangay. Talaotao, isa sa mga pamayanang matatagpuan sa maliit sa pulo ng Golo na sakop ng bayan ng Looc sa kasalukuyan. Naging capitan de pueblo ng Talaotao sa Ginoong. Abeleda. Gayunpaman, dalawampung taon bago naganap ang paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Kastila, ang nasabing pinuno at ang kanyang pamilya ay lumipat sa Paluan na noon ay isa lamang magubat na kapatagan sa dulong hilaga ng malaking pulo ng Mindoro.
 
Noong [[1882]], nagkaroon ng epidemya ng kolera sa pamayanan ng Lubang. Sa takot na baka mahawa ang kanyang mga kababayan, hindi pinagayan bi Gobernadorcillo Agustin Liboro si Padre Tomas Roldan, ang paring nakadestino sa Lubang, na pumasok sa Looc.
 
=== Panahon ng Himagsikan ===
 
Noong [[1890]], si Heneral [[Emilio Aguinaldo]] ay isa pa lamang batang negosyanteng nakikipagpalitan ng mga kalakal sa mamamayan ng iba't ibang bayan ng Mindoro. Sa kanyang pagbibiyahe sa pulo ng Golo, naging kaibiganniya si Ginoong. Justino Zubiri o Kabesang Tinong ng Barangay. Bulacan. Sa bahay ng naturang kabesa siya tumutukoy kapang hindi kaagad nakakaalis sa pulo. Sa kaniyang talaarawan, nabanggit ng heneral na naging kaibigan din niya si Kikong Kastila, ang may-ari ng pulo ng Ambil. Ayon sa matatandang mamamayan ng Looc, ang tunay na pangalan ng kaibigang ito ng Heneral ay Francisco Munez.
 
Noong [[1896]], noong naghimagsik ang mga Pilipino laban sa mga Kastila, naging miyembro ng Katipunan, Mga pulutong ni Aguinaldo, si Kabesang Tinong. Isa sa kanyang kababayan, si Ginoong. Pedro dela Fuente o Kabesang Pendong, ang naging miyembro ng [[Katipunan]], mga pulutong ni Bonifacio. Ang ilan mpang miyembro ng [[Katipunan]] sa Looc sa ilalim ng pamumuno ni Heneral [[Emilio Aguinaldo]] ay sina Ginoong. Ramon Trajero, Januario Aguilar, Anacleto Basco at Isidro Magat. Samantala, isang matapang na lider ng balikyas, si G. Emilio Cajayon, ang nagtatag ng isang grupo ng mga rebolusyonaryo sa kanyang lugar. Tinawag siyang Heneral Barog ng kanyang mga tauhan. Nang taon ding yaon, nang iproklama ni Heneral [[Emilio Aguinaldo]] ang kalayaan ng [[Pilipinas]], sina Ginoong. Emiliano Cajayon at Esteban Quijano ang namuno sa pangkat na namahala sa buong [[Pulo ng Lubang]].
 
=== Panahon ng Pananakop ng mga Amerikano ===
 
Nang sakupin ng mga Amerikano ang [[Pulo ng Lubang]] noong [[1900]], isang pangkat ng mga sundalong dayuhan sa pamumuno ni kapitan Samuel ang umokupa sa Looc. Nang panahon ding iyon, itinatag ng pinuno ng pamayanang ito, si kapitan Lino Liboro, ang Colegio Filipino de Looc. Kumuha siya ng mga guro sa [[Maynila]]. Dalawa sa mga kilalang taong nagtapos sa elementarya sa paaralang ito ay sina Ginoong. Cipriano Libroro at Mateo Virola na naging gobernador ng buong pulo ng Mindoro at lalawigan ng [[Occidental Mindoro]], ayon sa pagkakasunod-sunod.
 
Noong [[1902]], binuksan ang unang paaralang pampubliko sa Looc. Dalawa sa mga gurong natatandaan ng mga mamamayan na nagturo sa paaralang ito ay ang Amerikanong si Ginoong. Agustin Craig at isang kilala lamang sa pangalang Maestrong Carlos. Nang likhaing isang bayan ang Lubang, sa bias ng Akto 1280 ng Manungkol ng Pilipinas o ''Philippine Commission'' ng [[1905]], ang Looc ay isa sa mga naging baryo nito. Sa unang bahagi ng panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa [[Pilipinas]], hinikayat nila ang mga taong gawing homestead ang mga bakanteng lupain. Bunga nito, maraming pamilya ang nahikayat na okupahan ang mga tiwangwang na lupain sa Looc. Sa panahong ding ito dumating sa Looc ang mga paring Aglipay na sina padre Alejandro Albano at Victorio Limano. Dahilan sa walang paring katolikoong nakadestino sa bayang ito, maraming mamamayan ang nahikayat na sumapi sa pananampalatayang pinamumunuan ni Obispo Maximo [[Gregorio Aglipay]]. Bukod sa pagsasaka, pangingisda at paghabi ng sinamay, ang paggawa ng batel ang naging hanapbuhay ng maraming pamilya sa Looc. Nakilala ang bayang ito hindi lamang sa Mindoro kundi sa iba pang dako ng [[Pilipinas]] bilang lugar na kung saan ginagawa ang matibay at mabibilis na sasakyang pandagat. Nang magbukas ng paaralang elementarya sa Looc, una nilang ito sa Agkawayan, ang pinakaunlad na baryo nang panahong iyon. Sa paglipas ng mga taon, ang malalaking pamayanan sa bayang ito ay nagkaroon ng mababang paaralan.
 
Noong [[1916]], ang Looc ay inihiwalay sa Lubang at ginawang isang bayan. Isinailalim sa pamamahala nito ang mga baryo ng Talaotao, Bulaccan, Ambil, Burol, Balikyas at Agkayawan. Si Ginoong. Calixto Liboro ang itinalagang kaunaunahang pangulo ng munisipyo o ''municipal president'' ng pamahalaang Amerikano. Pansamantala, inilagay niya ang luklukan ng pamahalaang bayan sa Agkayawan.
 
Noong [[1922]], sa panahon ng panunungkulan ni Ginoong. Macario Adriatico bilang kinatawan ng Mindoro sa kongreso, sinikap niyang makapagpatayo ng matibay na gusali noong [[1930]] sa panahon ng panunungkulan ni Ginoong. Raul Leuterio at Ginoong, Cipriano Liboro bilang kinatawan at gobernador ng Mindoro, ayon sa pagkakasunod-sunod. Nang si Ginoong. Juan Calabio ang itinalagang pangulo ng munisipyo o ''municipal president'' ng Looc, ang sentro ng pamahalaang bayan ay inalis sa Agkawayan at inilipat sa lugar na kinalalagyan nito sa kasalukuyan. Dahilan sa maalon ang karagatang nakapagitan sa pulo ng golo at pamayanan ng calavite sa malaking pulo ng Mindoro at mapanganib sa mga barko at bangka ang maglakbay sa bahaging ito kung gabi, isang parola ang ipinatayo ng pamahalaang Amerikano sa dulo ng unang pulong nabanggit. hanggang sa kasalukuyan, patuloy paring nagiging gabay ng mga sasakyang pandagat ang nasabing parola. Bukod sa mga nabanggit na, ang iba pang naging pangulo ng munisipyo ng Looc noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano ay sina Ginoong. Mario Villa, Diosdado Liboro, Nicolas Villar, Luis Vega at Pedro Alfaro.
 
=== Panahon ng Pananakop ng mga Hapones ===
 
* ''Pangunang Artikulo: [[Pagsalakay sa Pulo ng Lubang]]''
 
Nang sumiklab ang [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]], maraming pamilya mula sa malaking pulo ng Mindoro na umiiwas sa mga sundalong Hapones ang nagsilikas sa Looc. Ito ay sa dahilang bihirang puntahan ng sundalo ng mga kaaway ang pook na ito at marami pang kagubatang maaaring pagtaguan ang mga tao. Isang transceptor ng radyo ang palihim na inilagay ng isang pangkat ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at mga gerilyang kinarorooan sa pulo ng Ambil noong panahon ng digmaan. Sa pamamagitan ng kagamitang ito sa komunikasyon, naiuulat ng pangkat sa kanilang punong himpilan ang galaw ng mga barkong pandigma ng mga kaaway sa karagatan ng Lubang, pati na ang ginagawa ng mga sundalong Hapones sa pulo. Isa sa mga naging tauhan ng transceptor ng radyo ay ang matagal na nanungkulang alkalde ng bayan ng Santa Cruz maraming taon pagkatapos ng digmaan, ng isang ekis na alkalde na si Florante Tria.
 
Nang dumating ang mapagpalayang puwersa ng mga Kakamping puwersa noong sumiklab ng [[Pagsalakay sa Pulo ng Lubang]] nitong Enero, sa pagitan ng pagdaong ng puwersang militar ng [[Komonwelt ng Pilipinas]] at [[Estados Unidos]] sa Lubang noong [[1945]], pinaulanan ng bala ng Agkawayan sa pagaakalang may mga sundalong Hapones na nagtatago roon. Sa kasamaang palad, dalawang mangingisda ng pamayanang ito ang tinamaan ng bala at maraming bahay ang nasunog. Tatlong sundalong Hapones na pinamumunuan ni Tenyente. [[Hiroo Onoda]] ang hindi sumuko sa mga sundalong Pilipino at Amerikano. Kahit na isa-isa nang namatay ang kanyang mga kasamahan, sa paminsan-minsang pakikipaglaban sa mga sundalong Pilipino naghahanap sa kanila, hindi pa rin sumuko ang naturang pinuno. Nagtago siya sa kagubatan ng Looc at Lubang sa loob ng halos tatlungpung taon. Habang siya ay nagtatago, walang nangahas pumutol ng malalaking punongkahoy sa kabundukan ng pulo. Sa loob mahabang panahong pagtatago ng mga tinaguriang maggala ng mga Hapones o ''Japanese Straggler'' sa kagubatan ng Looc. tatlong sibilyan ang napatay nila sa pag-aakalang kaaway ang mga ito. Ang mga sawimpalad na biktima ay sina Pedro Trambulo, Alfredo Villacete at Modesto Garcia.
 
=== Pagkatapos ng Digmaan ===
 
Pagkatapos ng digmaan, dinalaw ni padre. Benito Rixner ang bayan ng Looc. Siya ang kaunaunahang misyonerong SVD na nakarating sa pook na ito. Nang sumunod na taon, isa pang paring SVD, si padre. Matias Buendgen, nagpatayo ng kapilya sa Balikyas. Noong [[1947]], itinalaga ng kongregasyon ng SVD si padre. Carlos Brendel bilang kura paroko ng Looc. Itinatag niya ang Mataas ng Paaralan ng Sagradong Puso o ''Sacred Heart High School'' sa bayang ito. Gayunman nagsara ang paaralan nang si padre. Brendel ay idinestino sa ibang parokya noong [[1950]]. Sa huling bahagi ng dekada [[1950]] ang mga latian sa mga baryo ng Bulacan, Balikyas at Kabayanan ng Looc ay ginawang palaisdaan ng mga taong may puhunan. Kapag panahon ng tag-init, ang mga palaisdaan ay ginagawang asinan at sa bayan ng [[Batangas]], [[Kabite]] at [[Kalakhang Maynila]]. Pinagsikapan ng mga naging alkalde ng Looc na makapagpagawa ng mga gusaling pampaaralan sa kanilang lugar. Naalala pa ng matatandang mamamayan sina Alkalde Federico Tividad at Mariano Macalalad na nagpagawa ng mga paaralan. Sina Alkalde Onofre Aguilar at Isabelo Villarosa ang natatandaan ng mamamayang nagpagawa ng lumang gusali ng pamahalaang bayan at mga kalsada sa kabayanan. Sa panahon naman ni Alkalde. Agusin Aguilar, anila, naipagawa ang bagong gusali ng pamahalaang bayan ng ginagamit pa hanggang ngayon. Ang lumang gusali ay ginamit bilang tanggapan ng mga taong empleyado ng pambansang pamahalaan. Isang mahalagang pangyayari ang naganap sa looc noong [[1962]]. Ito ay ang paggawa ng batalyong inhinyero ng [[Hukbong Katihan ng Pilipinas]] ng kalsadang nag-uugnay sa sentro ng bayang ito sa daungan ng barko sa Tilik, Lubang. Bunga ng pagkakagawa ng lansangan, may mga pampasahero nang mga dyip ang bumibiyahe sa rutang Tilik-Looc sa tuwing may dumaraong na barko sa pantalan ng Tilik. Nang taon ding iyon, may maliliit na sistema ng patubig na ginawa ang Kagawaran ng Pambansang Patubig o ''National Irrigation Administration'' sa Looc. Isa sa nabiyayaan ng proyektong ito ay ang Barangay. Burol. Sa kasalukuyan, dalawang beses magani ng palay sa loob ng isang taon ang mga magsasaka sa nasabing barangay.
 
=== Pagkatapos ng Mapayapang Himagsikan sa EDSA ===
 
==Mga Barangay==