Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Tsismis"

648 byte added ,  11 year ago
 
==Pangangasiwa==
Kabilang sa mga paraan upang mapangasiwaan ang mga tsismoso at mga tsismosa, o masugpo ang tsimis, ay ang tuwirang pagtatanong sa mga nagbabalita ng tsismis ng ganito: na kung bakit kailangang malaman pa ng ibang mga tao ang mga bagay-bagay o paksang isinasalo o ibinubunyag nila. O kaya, ang pagtatanong kung paano matutulungan ang taong itsini-tsimis sapagkat ang reputasyon nito ang siyang nakataya.<ref name=OSV/> Kaakit-akit naman sa isang hindi tsismoso o tsismosa ang pagkakaroon ng reputasyong may kakayahang mapanatiling sarado ang bibig o hindi magdaldal ng bagay-bagay na pribado, at pagkakaroon ng paghabas, pagtitimpi, pag-iingat, o magpasyang may diskresyon, sapagkat hindi kahali-halina ang gawaing kabaligtaran nito. Bilang dagdag, kahit na sa loob ng pinakamatalik na pakikipag-ugnayan, pakikipagkapwa-tao, o relasyong may pagkakagaanan ng mga kalooban, palaging may pangangailangan ng pagsasaisip ng mga sasabihin, kung paano ito magiging maganda o mainam sa pandinig, o kung paano ito makakaapekto sa makikinig o tagapakinig.<ref name=Christophers/>
 
==Sanggunian==
{{reflist}}
166,389

edits