Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Muling pagkabuhay"

dagdag
(→‎Sanggunian: ugnayang wiki)
(dagdag)
Ang '''muling pagkabuhay''' o '''resureksyon''' ay ang pagbabalik na may [[buhay]] pagkaraang mamatay.<ref name=Biblia6>{{cite-Biblia6|''Resurrection''}}, ''Dictionary/Concordance'', pahina B10.</ref> Maaari rin itong tumukoy sa '''pagbabalik sa isang dating gawain, silbi o gamit''' ng isang ng isang tao, nilalang, o bagay. Katumbas din ito ng '''muling pagsilang'''. Sa [[Kristiyanismo]] at [[Hudaismo]], kaugnay ito ng '''muling pagkabuhay ni Hesuskristo''' at ng '''pagkabuhay ng mga patay sa Araw ng Paghuhukom'''.<ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|''Resurrection''}}</ref> Bilang apelyido sa buong pangalan ng tao, binabaybay itong ''[[:es:Resurreccion|Resurrecion]]'' na hango mula sa [[salitang Kastila]]ng ''resurección'' para sa "pagkabuhay na mag-uli" ng [[katawan ng tao|katawan]].
 
Sa Katolisismo, Kristiyanismo, at Hudaismo, batay sa [[Bibliya]], ang muling pagkabuhay ni Hesus ang susi ng tagumpay laban sa [[kamatayan]]. Dumating ang kamatayan sa mundo dahil sa mga kasalanan ng tao, ngunit iniangat ni Hesus ang mga tao mula sa kamatayan bilang isang tanda ng kapangyarihan ng Diyos sa ibabaw ng mga kasalanan. At dahil sa pagkabuhay na muli ni Hesus, nagkaroon ng bagong buhay ang mga tagasunod ni Hesus. Muli pa ring babangon ang mga tagasunod na ito ni Hesus, na may bagong mga katawan, kapag nagbalik na si Hesus sa mundo. Sa Huling Muling Pagkabuhay, babangon ang lahat ng mga tao upang husgahan ng Diyos.<ref name=Biblia6/>
 
==Tingnan din==
166,389

edits