Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "David at Goliat"

→‎Buod: palit at dagdag salita
(→‎Buod: palit at dagdag salita)
:''Dumating ang pagkakataon na sinimulang pag-usapan ng hukbo ang batang si David. Nakarating ang balita kay Haring Saul. Pinatawag ni Saul si David. Napag-alaman ni Saul na ang batang si David na ito ang siya ring tagapagtangan niya ng kanyang baluti at siya ring tagatugtog niya ng kudyapi. Sinabi ni David na walang dapat mangamba dahil kay Goliat. Nagbitiw siya ng salitang lalabanan niya ang higante nanghahamon. Nag-alinlangan si Haring Saul sa kakayanan ni David, subalit ipinaliwanag ni David na, habang binabantayan niya ang mga tupa ng kanyang amang si Isai, may isang [[leon]] na kumuha ng isang [[batang tupa]] mula sa kawan, na nasundan din ng isang [[oso]] na kumuha rin ng isa pang batang tupa. Kapwa tinunton ni David ang leon at oso at pinaslang niya ang mga ito dahil sa kanilang ginawa. Para kay David, magiging katulad lamang ng leon at oso si Goliat sa kanyang mga kamay. Nasabi ito ni David sapagkat naniniwala siyang may dahilan kung bakit napunta siya sa kampo at nasaksihan ang paghahamon ni Goliat. Naniniwala rin ito kung bakit iniligtas siya ng Diyos mula sa mga leon at mga osong lumusob sa kawan ng tupa ng kanyang ama. Nababatid niyang ililigtas din siya ng Diyos mula kay Goliat.''
 
:''Pumayag si Saul na harapin ni David si Goliat. Ibinibigay ni Saul ang kanyang sariling kalubkob, baluti, metal na pananggalang sa dibdib, at espada, ngunit tinanggihang gamitin ito ni David dahil sa pagiging mabigat ng mga ito. Isa pa, hindi pa siya nakapagsusuot ng baluting pangkatawan at hindi rin siya sanay gumamit ng sandata. Sa halip, pumili siya ng limang makikinis na mga bato mula sa isang bukalsapa, at ipinaloob sa sisidlan o supot niyang pampastol na nasa kanyang balakang. Humarap si David na tangan lamang ang isang panghulagpos<ref name=Biblia/> o pamukol<ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|''Sling''}}</ref> sa isang kamay at isang tungkod sa isa pang kamay.''
 
:''Patakbong sinalubong ni David si Goliat. Kumuha si David ng isang bato mula sa kanyang sisidlan at ikinabit sa kanyang sandatang panghulagpos. Pinaikot ni David ang panghulagpos at inasinta si Goliat. Pinakawalan ni David ang bato mula sa umiikot na panghulagpos. Sa isang nakamamatay na pagpukol, tumama sa pinuntiryang pagitan ng dalawang mata ni Goliat ang bato. Pagkaraang bumaon ang bato sa noo ng higante, bumagsak ito sa lupang nauuna ang mukha. Patakbong nilapitan ni David si Goliat. Tumuntong sa ibabaw ni Goliat si David. Hinugot ni David ang espada ni Goliat mula sa lalagyan nito. Pinugutan ni David ng ulo ang higante.''
166,389

edits