Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "David at Goliat"

(dagdag)
 
==Paghahanda at pananalig ni David==
[[Larawan:Tanzio da Varallo, Davide e Golia, ca. 1625 (Museo civico, Varallo).jpg|thumb|right|''David at Goliat'', isang dibuho ni Tanzio de Varallo, c. 1625.]]
===Limang bato ni David===
Isang bato lamang ang nakapagpabagsak kay Goliat, ngunit namulot si David ng limang makikinis na bato bago harapin ang higante. Ayon sa pinanutnugutang aklat ni Fackler, naghanda si David ng ganitong bilang ng bato dahil sa tatlong mga kadahilanan: una, maaaring magsikilos at makipagsagupaan kay David at mga Israelita ang mga Filisteo kapag naging matagumpay si David sa paggapi kay Goliat sa unang pukol pa lamang; pangalawa, maaaring kailanganin ang mga bato kung sakaling kumilos o lumaban din ang taong tagapagdala ng baluti ni Goliat; at pangatlo, naghanda si David para sa isang matagalang pakikibaka, isang pakikipagtuos na kakailanganin ni David ang pag-iwas mula sa mga bigwas ni Goliat habang magpapatama naman ng mga pagtira ng mga bato mula sa panghulagpos si David.<ref name=Biblia4/>
 
===Pagtitiwala ni David===
Higit na nakasalalay ang paghahanda ni David para sa pakikipagtunggali kay Goliat sa kanyang pananampalataya kaysa limang batong dala-dala niya sa loob ng kanyang "supot-pastol".<ref name=Biblia4/><ref name=Biblia/> Bagaman walang nakatitiyak kung ano talaga ang nasa isipan ni David noong lumabas na siya mula sa kampo ng Israel bago makibaka kay Goliat, subalit nasesegurong nangangailangan ng isang "malaking puso" ang tulad ni David para humarap sa isang makapangyarihang [[katunggali]]ng kagaya ng dambuhalang si Goliat. Hindi inaasahan, at maaaring nagulat rin si David, katulad ng mga nakasaksi sa labanang naganap, nang mapabagsak niya si Goliat sa pamamagitan ng iisang bato lamang.<ref name=Biblia4/>
 
==Sanggunian==
166,389

edits