David at Goliat: Pagkakaiba sa mga binago

→‎Buod: dagdag sa salita
(→‎Paghahanda at pananalig ni David: lipat puwesto ng larawan)
(→‎Buod: dagdag sa salita)
:''Pumayag si Saul na harapin ni David si Goliat. Ibinibigay ni Saul ang kanyang sariling kalubkob, baluti, metal na pananggalang sa dibdib, at espada, ngunit tinanggihang gamitin ito ni David dahil sa pagiging mabigat ng mga ito. Isa pa, hindi pa siya nakapagsusuot ng baluting pangkatawan at hindi rin siya sanay gumamit ng sandata. Sa halip, pumili siya ng limang makikinis na mga bato mula sa isang sapa, at ipinaloob sa sisidlan o supot niyang pampastol na nasa kanyang balakang. Humarap si David na tangan lamang ang isang panghulagpos<ref name=Biblia/> o pamukol<ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|''Sling''}}</ref> sa isang kamay at isang tungkod sa isa pang kamay.''
 
:''Patakbong sinalubong ni David si Goliat. Kumuha si David ng isang bato mula sa kanyang sisidlan at ikinabit sa kanyang sandatang panghulagpos. Pinaikot ni David ang panghulagpos at inasinta si Goliat. Pinakawalan ni David ang bato mula sa umiikot na panghulagpos. Sa isang nakamamatay na pagpukol, tumama sa pinuntiryang pagitan ng dalawang mata ni Goliat ang unang bato. Pagkaraang bumaon ang bato sa noo ng higante, nawalan ito ng malay<ref name=Biblia4/> at bumagsak sa lupang nauuna ang mukha. Patakbong nilapitan ni David si Goliat. Tumuntong sa ibabaw ni Goliat si David. Hinugot ni David ang espada ni Goliat mula sa lalagyan nito. Pinugutan ni David ng ulo ang higante.''
 
:''Dahil sa pangyayaring ito, nahintakutan at umurong ang nagaping mga Filisteo. Hinabol ng mga Israelita ang nagsisitakas na mga Filisteo. Kinuha ng mga Israelita ang lahat-lahat ng mga bagay na nasa loob mga kubol ng kampo ng mga Filisteo. Walang ibang inibig si David, maliban na lamang sa baluti ng natalo niyang higanteng si Goliat.''
166,389

edits