Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Lamec"

1,609 bytes added ,  11 year ago
salin mula sa Ingles na wikipedia; ngunit ginamitan ng mga sanggunian nasa Tagalog (mula kay Abriol)
(linis)
(salin mula sa Ingles na wikipedia; ngunit ginamitan ng mga sanggunian nasa Tagalog (mula kay Abriol))
 
Dahil sa mga pagkakatulad ng dalawang linya o salinlahi, itinuturing na iisa lamang ang dalawa ng ilang mga dalubhasa. May ibang mga konserbatibong mga iskolar ang nagsasabing walang dahilang dapat na magkaroon ng kalituhan sa pagitan ng dalawang Lamec. Isang tradisyon mula sa ''[[Genesis Rabba]]'', mula sa puna ni [[Rashi]] hinggil sa ''Henesis 4:22'', ang tumutuon na si [[Noema]]<ref name=Biblia/> (o [[Na'amah]]), ang anak na babae ni [[Sela]]<ref name=Biblia/> (o [[Tselah]]) at Lamec, anak na lalaki ni Metusael, ay ang asawa ni Noe, ang anak na lalaki ng isa pang Lamec (anak na lalaki ni Metusela).
 
==Sa Bibliya==
Nakapagitna sa dalawang linyang henealohikal, ang mga pangungusap na naglalarawan kay Lamec, na anak na lalaki ni Metusael, kaapu-apuhan ni Cain at ng kanyang mga anak ay naglalaman ng ganito:
 
{{quote|Si Lamec ay nagkaasawa ng dalawang babae, ang isa ay si ''Ada'', ang ikalawa ay si ''Sela''. Ipinanganak ni Ada si ''[[Jabel]]'' na naging pinaka-ama ng nagsisitira sa mga kubol at may mga kawan. Ang pangalan ng kanyang kapatid ay ''[[Jubal]]'', ang pinaka-ama ng mga tumutugtog ng kudyapi at ng plauta. Si Sela naman ang naging ina ni ''[[Tubalcain]]'' (o ''[[Tubal-Cain]]''), ang pinaka-ama ng mga panday ng mga sisidlang tanso at bakal. Ang kapatid na babae ni Tubalcain ay si ''Noema''.}}
 
:Sinabi ni Lamec sa kanyang mga asawa:
 
:"Ada at Sela,
::dinggin ninyo ang aking tinig, mga asawa ni Lamec,
::pakapakinggan ninyo ang aking pangungusap:
:Pinatay ko ang isang tao dahil sa pagsugat sa akin,
:ang isang binata dahil sa paggalos sa akin.
:Kung si Cain ay ipinaghihiganti nang makapito,
:Si Lamec ay makapitumpung pito."[[Henesis]] 4:19-24<ref name=Biblia/>
 
Nakatala sa ''Henesis 5:25-31'' na ang isa pang Lamec, anak na lalaki ni Metusela, ay 182 taong gulang na noong ipanganak si Noe, at namuhay siya sa loob ng karagdagan pang 595 mga taon pagkaraan nito, kaya't ang edad niya ay 777 mga taon nang sumakabilang-buhay (o ilang mga taon lamang bago ang Pagbaha). Dahil sa ganitong mga bilang sa ganitong paglalahad na makahenealohiya, ang mga pagbibilang na katulad ng kay [[Arsobispo Ussher]] ang nagmumungkahing buhay pa si Adan sa loob ng 50 mga taon ng buhay ni Lamec.
 
==Sanggunian==
166,389

edits