Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Akson"

patlang
(dagdag na may sanggunian)
(patlang)
Ang '''akson''', '''hibla ng nerbyo''', '''hibla ng nerbiyo''', '''hibla ng nerbiyos''' (Ingles: ''axon'', ''nerve fiber''; Kastila: ''nervio'')<ref name=JETE>{{cite-JETE|Nerbyo, nerbiyo, nerbiyos, ''nerve fiber'', ''nerve''}}, pahina 930.</ref> ay ang parte ng neyuron o selula ng utak na tumutubo mula sa soma o katawan ng selula. Ang kahabaan nito ay nakasalalay sa lugar kung saan ito matatagpuan. Ang mga neyuron na may mahabang akson ay kalimitang sumasakop sa iba't ibang parte ng katawan tulad ng utak, kurdon ng gulugod. Ang iba naman na may maiikling akson ay matatagpuan kalimitan sa utak o sa pinakaloob ng spinal kord bilang interneurons na may tungkuling mamagitan sa dalawang nagpapahayagang mga neyuron. Mahalaga ito para sa pag-uugnay at pagpapahayag ng mga neyuron na nagaganap sa sinaps. Naglalaman ang akson ng membrane na tinatadtaran ng mga maliliit na butas na siyang nagpapadaloy sa mga ions na kailangan ng mga selula upang mabuhay. Sa kumplikadong paraan ng mga pagdaloy na ito ay nagagawa ng neyuron na magkaroon ng tinatawag na aksyong potensyal (''action potential''), isang eletrokemikal na pulso na siyang dumadaloy sa kahabaan ng akson. Ang pulso na dumadaloy sa akson ay nanggagaling mula sa akson at may adhikang makipag-usap sa kaugnay na neyuron, na siya namang tatanggap ng pulso hindi sa akson kundi sa soma lalong lalo na sa mga sanga nito.
 
==Sanggunian==
166,389

edits