Pamangkin: Pagkakaiba sa mga binago

No change in size ,  13 year ago
tutuldok sa halip na bituin
(dagdag)
(tutuldok sa halip na bituin)
Ang '''pamangkin''' ay tumutukoy sa isang'''lalaking pamangkin''' (''nephew'' sa Ingles, na nagbuhat sa Pranses na ''neveu''), ang anak na lalaki ng isang [[kapatid]] o anak na lalaki ng asawa ng isang kapatid. Ito ang rin ang tawag para sa isang '''babaeng pamangkin''' (''niece'' sa Ingles), ang anak na babae ng isang kapatid o anak na babae ng asawa ng isang kapatid.<!--May galing sa Ingles na Wikipedia--><ref name=Gaboy/><ref name=Bansa>{{cite-Bansa|Pamangkin, ''nephew'', ''niece''}}, makikita sa [http://www.bansa.org/dictionaries/tgl/?dict_lang=tgl&type=search&data=pamangkin Pamangkin]</ref> Tinatagurian ding mga pamangkin ang mga anak na lalaki at babae ng mga [[kapatid sa kasal]], bagaman walang kaugnayan sa dugo o hindi magkadugo. Ginagamit din ang salitang "pamangkin" bilang hindi pormal na katawagan para sa isang batang naging anak ng isang [[pari]].<ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|''Nephew'', ''niece''}}</ref> Tumutukoy din ang salitang ''pamangkin'' para sa mga sumusunod:
*:* Pamangking lalaki (''nephew''), ang anak na lalaki ng isang kapatid na lalaki, kapatid na babae, o ng kanilang mga asa-asawa.
*:* Pamangking babae (''niece''), ang anak na babae ng isang kapatid na babae, kapatid na lalaki, o ng kanilang mga asa-asawa.
*:* Pamangking lalaki sa kasal o pamangking lalaki sa batas (''nephew-in-law''), ang anak na lalaki ng [[kapatid na lalaki sa kasal]] o ng [[kapatid na babae sa kasal]].
*:* Pamangking babae sa kasal o pamangking babae sa batas (''niece-in-law''), ang anak na babae ng kapatid na babae sa kasal o ng kapatid na lalaki sa kasal.
*:* Pamangking lalaki sa ama o pamangking lalaki sa ina (''step-nephew''), ang anak na lalaki ng isang kapatid sa ama o anak na lalaki sa kapatid sa ina; o ''step-son'' ng isang kapatid na lalaki o kapatid na babae.
*:* Pamangking babae sa ama o pamangking babae sa ina (''step-niece''), ang anak na babae ng isang kapatid sa ama o anak na babae sa kapatid sa ina; o ''stepdaughter'' ng kapatid na lalaki o kapatid na babae.<!--mula sa Ingles na Wikipedia-->
 
Sa sinaunang wikang Ingles, ang isang pamangking lalaking mula sa partido ng ina ay tinatawag na ''sister-son'' o "kapatid na babae-anak na lalaki", na nagbibigay diin sa kahalagahan bilang pinakamalapit na kamag-anak na lalaki ng isang tao ''kung'' sakaling walang sariling mga kapatid na lalaki o mga anak na lalaki. Ginamit ang salitang ito para tukuyin at ilarawan ang ilang mga kabalyero ni [[Haring Arturo]], na ginaya ni [[J.R.R. Tolkien]], natatangi na sa mga talaan ng [[Mga Hari ng Rohan]] o mga duwendeng kung saan tagapagmana rin ang ''sister-son''. Katumbas nito ang ''sister-daughter'' o "kapatid na babae-anak na babae" para tukuyin ang isang "pamangking babae", ngunit hindi naging pangkaraniwan.<!--mula sa Ingles na Wikipedia-->
166,389

edits