Pagkabigo: Pagkakaiba sa mga pagbabago

dagdag
(dagdag)
Ang '''kabiguan''' o '''pagkabigo''' ay isang kalagayan kung saan hindi nabuo o nakumpleto ang isang kaaya-ayang layunin o minimithing hangarin. Kapag nabigo ang isang bagay, matatalo o mawawala ito. Isa itong pagkakaroon ng pagkukulang o kakulangan at kawalan dahil hindi natupad o naganap ang nararapat sanang nagawa, na maaaring naging dulot ng kahinaan o depekto sa katangian, pamamaraan, o kaparaanan sa paggawa. Ngunit maaari ring dahil ito sa pagkakakalimot o nakaligtaan at hindi pag-aasikaso ng isang tao. Kabigtaran ito ng pagkakaroon ng [[tagumpay]]. Tinatawag na ''taong bigo'' ang isang taong walang tagumpay o hindi nanalo. Kasingkahulugan o kaugnay ang ''pagkabigo'' ng ''pagbalda'', ''paghinto'', ''pagbisala'' o kawalan ng kuryente, ''paglagpak'' o ''pagbagsak'' mula sa isang eksamen o kurso ng pag-aaral, ''pagkupas'', ''pagkalugi'' sa negosyo o pag-aani, ''atake'' (katulad ng ''atake sa puso'' dahil nabigo na sa tungkulin ang organong ito), ''kapalpakan'', ''pagkabangkarote'', at mga katulad.<ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|''Failure''}}</ref>
 
==Sanggunian==
166,389

edits