Kawalan ng ginagawa: Pagkakaiba sa mga pagbabago

dagdag
(palit salita sa kapsyon)
(dagdag)
 
Sa panlahatang diwa, ang '''kawalan ng gawain''' o '''hindi paggawa''' ay isang katayuan na may kaugnayan sa hindi pagkakaroon ng galaw, lakas, o enerhiya ng isang tao, nilalang, o iba pang bagay. Isang halimbawa nito ang pagpapalipas ng oras o panahon ng isang taong walang nagagawang mainam o kapakipakinabang para sa sarili at para sa ibang tao sa buong maghapon at sa araw-araw. Bagaman kaugnay ito ng [[katamaran]], mas mailalarawan ang ganitong kalagayan sa pagiging hindi ginagamit, pagiging walang silbi, o '''pagtunganga'''. Maaaring sinasadya ito ng isang taong batugan o tamad, subalit maaari rin naman itong maging dulot ng pagkawala ng hanapbuhay o trabaho ng isang taong likas namang masipag, kaya’t hindi matatawag ang taong iyon bilang pabaya, tanga, tamad, o '''pagayon-gayon''' lamang sa bawat araw.<ref name=FEEF2>{{cite-FEEF2|Idle}}, pahina 118.</ref><ref name=Bansa>{{cite-Bansa|Idle}}</ref><ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|Idle}}</ref>
 
Sa [[Bagong Tipan]] ng [[Bibliya]] (''[[Ikalawang Sulat sa mga taga-Tesalonica|2 Tesalonika 3:6]]''), nagbigay ng babala sa [[Pablo ng Tarsus|San Pablo]] hinggil sa mga taong gumagamit ng paksang ukol sa dagliang pagbabalik ni [[Hesukristo]] bilang isang dahilan sa pagkakaroon ng katamaran. May isang pangkat ng mga taga-Tesalonikang hindi na nakilahok pa sa pang-araw-araw na pamumuhay, na nagturo at nanghikayat sa iba pang mga tao na iwanan na ang kanilang mga tungkulin o gampanin sa buhay, lisanin ang kanilang mga trabaho, at huwag nang magplano pa para sa hinaharap.<ref name=Biblia4>{{cite-Biblia4|''What's wrong with idleness?'', ''2 Thessalonians 3:6''}}, pahina 202.</ref>
 
==Sanggunian==
{{reflist}}
166,389

edits