Pagkabigo: Pagkakaiba sa mga pagbabago

kawing
(larawan)
(kawing)
[[File:Love_lost_-_San_Martin_-_Buenos_Aires.jpg|thumb|right|300px|Isang istatuwa ng isang babaeng nabigo sa [[pag-ibig]]. Pilit niyang inaabot ang isang nalaglag na mga bulaklak, ngunit magpasawalang-hanggang hindi na muling mapapasa kanyang mga kamay ang mga ito.]]
 
Ang '''kabiguan''' o '''pagkabigo''' ay isang kalagayan kung saan hindi nabuo o nakumpleto ang isang kaaya-ayang layunin o minimithing hangarin. Kapag nabigo ang isang bagay, matatalo o mawawala ito. Isa itong pagkakaroon ng pagkukulang o kakulangan at kawalan dahil hindi natupad o naganap ang nararapat sanang nagawa, na maaaring naging dulot ng kahinaan o depekto sa katangian, pamamaraan, o kaparaanan sa paggawa. Ngunit maaari ring dahil ito sa pagkakakalimot o nakaligtaan at hindi pag-aasikaso ng isang tao. Kabigtaran ito ng pagkakaroon ng [[tagumpay]]. Tinatawag na ''taong bigo'' ang isang taong walang tagumpay o hindi nanalo. Kasingkahulugan o kaugnay ng ''pagkabigo'' ang ''pagbalda'', ''paghinto'', ''pagbisala'' o kawalan ng kuryente, ''paglagpak'' o ''pagbagsak'' mula sa isang eksamen o kurso ng pag-aaral, ''pagkupas'', ''pagkalugi'' sa negosyo o pag-aani, ''atake'' (katulad ng ''atake sa puso'' dahil nabigo na sa tungkulin ang organong ito), ''kapalpakan'', ''pagkabangkarote'', at mga katulad.<ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|''Failure''}}</ref>
166,389

edits