Pagkabigo: Pagkakaiba sa mga pagbabago

204 bytes added ,  13 year ago
→‎Pagharap sa kabiguan: dagdag detalye sa sanggunian
(→‎Pagharap sa kabiguan: dagdag detalye sa sanggunian)
 
==Pagharap sa kabiguan==
Ayon sa ''The Bounce Back Chronicles'' (o "Ang mga Kronika ng Pagtalbog Pabalik") ni Joe Kita na inilathala ng ''[[Reader's Digest]]'' noong Mayo 2009, ang pag-alam sa kung paano haharapin ang kabiguan ay ang unang hakbang papunta sa pagkakamit ng tagumpay. Sa artikulong ito, sumipi ang babasahin ng ilang mga kataga mula kay [[J.K. Rowling]], may-akda ng mga nobelang kinabibidahan ni [[Harry Potter]]. Sa isang pagtalakay sa harap ng magtatapos na mga estudyante ng [[Pamantasan ng Harvard]], hindi siya tumuon sa pagksa ng pagtatagumpay. Sa halip, nagsalita siya hinggil sa kabiguan sa pamamagitan ng pagsasalaysay ukol sa isang kabataang babaeng umayaw na sa pagnais niyang maging isang nobelista upang mag-aral ng mas praktikal na bagay. Gayunpaman, napabilang pa rin siya sa mga walang hanapbuhay sa Britanya. Dati siyang isang inang may-anak ngunit walang kapiling na esposo, at mayroon din namang nauuwiang tahanan. Sa panahong ito ng kanyang buhay, muli niyang natuklasan ang kahalagahan ng kanyang anak na babae, ang isang lumang makinilya, at ang isang ideyang kalulunsaran ng muli niyang pagbangon mula sa kabiguan. Kinalabasan ng kanyang karanasang ito ang mga nobelang ''Harry Potter''.<ref name=RDcom>Kita, Joe. [http://www.rd.com/your-america-inspiring-people-and-stories/5-winners-teach-us-how-to-learn-from-failure/article125947.html ''The Bounce Back Chronicles''], Reader's Digest, RD.com, nakuha noong Abril 20, 2009.</ref> Bilang dagdag, iminungkahi ng magasin ang ilang paraan upang makabangon mula sa pagkabigo, kabilang dito ang pagbabalik sa pag-aaral sa paaralan upang palawakin ang kasalukuyang pansariling mga kakayahan o ang pagdaragdag ng mga bago.<ref name=RDcom2>Kita, Joe. [http://www.rd.com/advice-and-know-how/4-ways-to-follow-your-dreams/article128597-3.html ''4 Ways to Follow Your Dreams''], Reader's Digest, RD.com, nakuha noong Abril 20, 2009.</ref> Samantala, para naman magkaroon ng kabuluhan ang pagpapalipas ng panahon ng [[kawalan ng gawain]] dahil sa pagkawala ng trabaho, hinikayat naman ni Joe Kita ang taong apektado na magtala ng tatlong mga bagay na iniibig niyang maalala ng ibang tao. Tinawag ni Kita ang prosesong ito bilang "pagsusulat ng sariling [[obituwaryo]]" na makakatulong sa pag-alam kung ano ang mahalaga sa buhay ng taong nagdaranas ng kabiguan, na nakatutulong din sa pagkakamit ng mga layunin. Isang halimbawang ibinigay ng ''Reader's Digest'' ang "magbigay ng bagay pabalik sa iba" o pakikipagkapwa-tao, katulad ng pagbibigay ng panahon o oras lamang kung walang salaping pang-abuloy sa iba. Isang kaparaanan ang pagkukusang-loob upang mabigyan ng pagkakataon ang sarili ng bagong mga kaugnayang taong may bagong mga ideya. Makapananariwa rin ng kaluluwa at kalooban ang karanasang ito.<ref name=RDcom3>Kita, Joe. [http://www.rd.com/advice-and-know-how/4-ways-to-follow-your-dreams/article128597-3.html ], Reader's Digest, RD.com, nakuha noong Abril 20, 2009.</ref>
 
==Sanggunian==
166,389

edits